Show must go on...
Hindi man naging handa ang grupo ng PEARL of the ORIENT at ilang AFC volunteers ay muli itong nagtanghal sa nakaraang HUG ASIA na isang malaking event ng Ansan City Hall. Ang nasabing mga grupo ay naghanda ng 3 sayaw tulad ng ARAY, BULAKLAKAN at TINIKLING. Ngunit sa hindi inaasahan ay biglang na-cancel ang 2 sayaw na ARAY at BULAKLAKAN. Isinalang ang tinikling bagama't kulang sa ensayo dahil kailangang tumakbo ang munting palabas ng grupo.
NOTE: Hindi talaga para sa tinikling na sayaw ang nasa kaliwang bahagi ng video. At ang tinikling ay ang request ng mga korean. 4 hours lang ang practice ng lahat para sa sayaw na ito. Nagkaroon muna ng maikling palabas tungkol sa mga taong naimbitahan ang pamilya upang makapiling dito sa korea kahit sa saglit na panahon
(sa screen) isa sa mga pinoy na napabilang sa programa na maimbitahan ang pamilya dito sa korea
Ang grupo kasama ang mga taga-embassy pagkatapos ng programa Pinagsamang grupo ng AFC at PEARL of the ORIENT
Moral Lesson: Maghanda ng mahusay bago ang programa. hehehe ;-) wink*
No comments:
Post a Comment