AFC and Galilea Anniversary
Muling nagtipon-tipon ang mga taga-Ansan sa pagdiriwang ng ika-11 taong anibersayo ng Galilea at ika-16 na taon naman para sa AFC kahapon, September 07, 2008 sa Choji Welfare Center. Ang misa ay nagsimula bandang ala-una ng hapon na pinangunahan ni Fr. Kristianus Piatu kasama sina Fr. Dennis Callan, Fr. John Kennedy at Fr. Mandy Dayao. Naging higit na mahusay ang choir sa kanilang pag-awit sa banal na misa. Kapansin-pansin din ang takbo ng misa na pinaghandaan ng buong miyembro ng liturhiya.
Ang mga pari at sakristan habang ginaganap ang banal na misa
Communion Song ng AFC Choir na Your Heart Today
Ang buong komunidad at AFC choir
Matapos ang banal na misa ay pinagsaluhan ng lahat ang mga pagkaing ambag ng iba't-ibang organisasyon, pinoy stores at mga taong tumutulong sa AFC at Galilea. Nagmistulang pista sa barrio sa ginawang set-up ng programa at stage na pinagtulong-tulungan ng ilang volunteers at staff ng galilea isang araw bago ang pagtitipon.
ang pila ng mga pagkain mula sa mga iba't-ibang grupo sa Ansan.
John at Billy habang nag-aayos ng stage Fr. Kristianus, Sr. Ambrosia at Nyl Punzalan habang abala sa pag-aayos ng mesa para sa mga pagkain
Pinangunahan naman ng inyong lingkod (Billy Vela) at Kathlia De Castro ang programa bilang mga masters of ceremony. Sa panimula ng programa ay muling ipinakita ng AFC Dance Troop ang kanilang galing sa pagsasayaw ng "singkil" na kanilang ipinanalo ng
1st prize sa nakaraang Bravo Migrant Contest. Kasunod nito ay ang walang patid na pagsasayaw ng 7 pang katutubong sayaw tulad ng Aray, ragragsakan, gumaquena, bulaklakan, maglalatik, pandango sa ilaw at tinikling mula sa pinagsamang talento ng AFC dance troop at Pearl of the Orient.
Pinalakpakan din ang grupo ng banda na AFC Sessionist Band ng kanilang tugtugin ang ilan sa kanilang mga piyesa. Higit naman hinangaan si Belle Ariola ng kanyang bigyan ng sariling bersyon ang awiting "listen" at "through the rain".
Agaw eksena naman sa lahat ng dumalo ang isa sa mga anghel ng AFC na si Collen Grace ng ito'y makipagsabayan sa mga chikiting ng Hawak-Kamay Immigrant Family Association habang sinasayaw ang "sige ikembot mo".
Sige Ikembot Mo ng Hawak-kamay Immigrant Family Association kasama ang bibong si Coco
Binigyang buhay din ng AFC dance troop ang programa ng kanilang ipakita ang galing sa pagsasayaw ng modern dance. Nagkaroon ang grupo ng isang medley dance at ilan pang sayaw na kanilang nang itinanghal sa iba't-ibang inbitasyon.
Napuno rin ng excitement ang mga taong naroon ng isa-isang bolahin ang mga magwawagi ng 1,000,000won para sa 1st prize, 700,000won sa 2nd prize at 400,000won naman para sa 3rd prize. Nagkaroon din ng 100,000 ang solicitors ng bawat nagwagi. Namigay rin ng 13 gift set bilang consolation prizes.
Ang Asst. Bus. Manager ng AFC na si Marlon Clamonte habang abalang ibibebenta ang mga raffle ticket ng AFC bilang fund raising project ng grupo.
Narito ang mga nagwagi:
First Prize: Angel Ruth Heducos
Solicitor: John Rivera
Second Prize: Nestor Fontanilla
Solicitor: Nestor Fontanilla
Third Prize: Cristopher Duyao
Solicitor: Dennis Monta
13 Consolation Prizes
1.Vangie Orpilla
2.Jack Rowell Datiles
3.Romy/Pinky
4.Rodolfo Busaing
5.Angelo Cacayuran
6.Mexican
7.Liwayway Bautista
8.Diony Lasquite
9.Myrna
10.Ernesto Juan
11.Ronnie Antor
12.Derrick Suldayan
13.Adonis Navales
Nagbigay din panghuling mensahe ang Bise Presidente ng AFC na si Richard Francisco. Dito ay kaniyang pinasalamatan ang lahat ng mga tumulong para higit na maging matagumpay ang naganap na programa. Binigyan pugay niya rin ang lahat ng staff ng Galilea at ilang volunteers maging ang AFC volunteers sa pagbibigay ng oras at sakrispisyo.
Matapos ang programa ay nagtungo ang lahat ng afc volunteers sa Hwarang Park para sa isang hapunan bilang selebrasyon sa naging tagumpay ng anibersaryo.
ilan sa mga kaganapan sa nakaraang anibersaryo
AFC Volunteers kasama ng Galilea Director and Staff pagkatapos ng programa.
No comments:
Post a Comment