Let's Celebrate
Muling nagkaroon ng oras lahat ng AFC volunteers na magkatipon-tipon sa hwarang park upang gawin ang selebrasyon ng mga miyembrong nagdiwang at magdiriwang ng kaarawan noong August at ngayong buwan ng September. Maraming pagkain ang pinagsaluhan ng lahat. Ito ay mula sa mga taong may kaarawan noong August at September. Nagbigay rin ng pagkain ang mag-asawang Emsa at Arlan para naman sa kanilang isang taong anibersaryo bilang mag-asawa.
AFC Volunteers sa Hwarang Park
Bago magsimula ay nagbigay muna ng paunang salita si Vice President Richard Francisco ng AFC. Dito ay kanyang pinasalamatan ang lahat ng may kaarawan sa pagbibigay ng mga pagkaing ambag at oras para makasama ang mga AFC volunteers sa kanilang pagdiriwang. Nasundan ito ng maikling panalangin sa pangunguna ni Jennet Cacayuran, isa sa mga nagdiriwang ng kaarawan. Kinantahan ng lahat ng dumalo ang mga taong may kaarawan. Matapos ito ay agad nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing handa.
Nagkaroon ng mahabang inuman, kwentuhan, biruan at tawanan ang lahat. Muling nakita ang saya sa lahat ng mga araw na iyon. Wala rin tigil ang mga ito sa pag-pose sa mga camera bilang alaala.
Gabi na ng matapos ang kasiyahan. Busog sa pagkain at sa mga alaalang masaya ang lahat. Ngiti sa mukha ay bakas sa lahat bago lisanin ang lugar. Sa kaunting oras ay muling nadagdagan ng pundasyon ang pagsasamahan ng AFC volunteers.
Happy Birthday uli sa mga sumusunod:
Billy, Manny, Llama, Nyl, Jennet, Albert, Jemar, Ernie, Jayson, Emil at Anthony. Maraming salamat sa mga pagkain. Kina Emsa at Arlan, kasama n'yo ang AFC sa mga problema at tagumpay ninyo bilang mag-asawa.
ang huling grupo na magkakasabay na umuwi
No comments:
Post a Comment