Create your own fancy glitter text!
Welcome to AFC Diary! Everyone is welcome here. You can sign my guestbook or chat with all the visitor on visitor's lobby portion. Tell all your friends about this site. Thank You very much. Have a nice day! -Billy Vela, Author

Galilean Newsletter Is Now Online!

For those who did not able to get a copy of Galilean Newsletter Anniversary Edition,

The easy and fastest way to access news from Ansan Filipino Community is now available for online reading.

Yes, it's true! You can read it online by clicking the link below.

Monday, September 15, 2008

Everland 2008

Noong nakaraang linggo, September 13, 2008 ay muling tinungo ng AFC ang Everland upang makapamasyal. Sakay ng 4 na bus ay nilisan ng 190 katao ang Ansan bandang alas-9 ng umaga patungong Everland na matatagpuan sa Yongin, Korea. Matapos ang halos isang oras na biyahe ay nakarating ng ligtas ang lahat. Sabik na bumaba ng bus ang ilan na ngayon lamang narating ang Everland. Habang hinihintay ang bawat lider ng bus ay walang tigil ang flash ng camera ng lahat bilang remembrance.




Bus no. 3 participants

Leader: Billy Vela

Asst. Leader: Rachel Pangga and Marlon Clamonte






Matapos maibigay ang mga ticket sa lahat ay agad na naghiwalay ang mga grupo upang higit na masulit ang ganda ng Everland. Maraming mga rides ang naroon kabilang na ang doble rock spin, hurricane, eagle's fortress, let's twist at marami pang iba. Pinilahan din ang isa sa mga bagong rides na T-express. Ito ay gawa sa kahoy at ang pinakamataas na rides sa Everland. Mayroon itong 77 degrees slanting position na kinakatakutan ng ilan. Para naman sa iba isang malaking challenge na ito ay masakyan.


double rock spin with me and some afc volunteers


Amazon Express with my friends



Para naman sa mga hindi kaya ang mga rides ay nakuntento na ang mga ito sa Safari World kung saan makikita ang iba't-ibang hayop. Bukod sa safari ay mayroon din maliit na zoo na kinagiliwan din ng lahat na nagtungo roon.

Naging makulay rin ang everland dahil sa mga mascot nito at iba't-ibang karakter mula sa isang show na Olympus Fantasy. Puno ng ilaw at makukulay na kasuotan ang buong katawan ng mga ito.












Bandang 9:30ng gabi ng simulan ang short play ng everland na "Olympus Fantasy". Ito ay sang kwento kung paano tinalo ng mabuti ang kasamaan. Sa huli ay isang magandang fireworks display ang nasaksahan ng lahat. Tumagal ang fireworks display ng halos 5 minuto. Ang pagtatapos ng fireworks display na rin ang naging hudyat ng lahat upang umuwi.

No comments: