A week before...
Naging higit na abala ngayon ang mga AFC volunteers para paghahanda sa nalalapit na anibersaryo ng Galilea at AFC. Ang Galilea ay naitatag noong taong 1997 habang 1992 naman ng maitayo ang samahan ng AFC o Ansan Filipino Community. Sama-sama at tulong-tulong nilang pinaghahandaan ang munting programa na gaganapin sa Choji Bokji Gwan o Choji Welfare Center na matatagpuan sa likod ng Simin Sijang.
Ang mapa patungong Choji Welfare Center na nasa likod ng Simin Sijang. Nasa ikalawang palapag ng gusali ang lugar ng pagtitipon.
Note: Pindutin ang larawan upang higit na makita ang mapa.
Sa hanay ng koro ay buong husay silang nag-eensayo para sa mga bago at magagandang mga awitin. Doble oras ngayon ang kanilang ibinibigay upang higit na mapaganda ang kanilang pag-awit. Tila walang kapaguran naman ang mga cultural member sa kanilang pag-indak bilang paghahanda sa nalalapit na anibersaryo. Nakahanay ngayon sa programa ang ilang folk dance na kanilang itinanghal sa iba't-ibang lugar. Isa na dito ang sayaw na "singkil" kung saan nakamit nila ang 1st prize sa nakaraang 1st Bravo Migrant Contest.
Naging abala rin ang mga opisyal ng AFC sa pagpupulong upang masiguro na walang maging problema ang magagananap pagtitipon.
Ilan sa mga miyembro ng cultural commitee pagkatapos ng pag-eensayo
Magsisilbing tila pista ng baryo ang nasabing selebrasyon sa tulong na rin ng mga iba't-ibang organisasyon na nangakong magbibigay ng ambag na pagkain mula sa kanilang mga miyembro. Higit na magiging makulay ang lugar na pagdadausan ng programa dahil sa gagawing mga palamuti upang higit na magmukhang pista ang pagtitipon.
Editor's copy ng nakatakdang ilabas na issue ng newsletter sa darating na anibersayo.
Tinututukan na rin ng AFC newsletter team ang ilalabas na bagong issue ng newsletter para ngayong anibersaryo. Ang newsletter ay binigyan ng bagong bihis upang higit na magustuhan ng mga mambabasa nito.
No comments:
Post a Comment