Create your own fancy glitter text!
Welcome to AFC Diary! Everyone is welcome here. You can sign my guestbook or chat with all the visitor on visitor's lobby portion. Tell all your friends about this site. Thank You very much. Have a nice day! -Billy Vela, Author

Galilean Newsletter Is Now Online!

For those who did not able to get a copy of Galilean Newsletter Anniversary Edition,

The easy and fastest way to access news from Ansan Filipino Community is now available for online reading.

Yes, it's true! You can read it online by clicking the link below.

Sunday, August 24, 2008

Proud to be AFC...Proud to be Pinoy

Nagtungo ang ilang AFC volunteers kasama ang Galilea staff na si Mrs. Maria Park kahapon sa Deoksan Myoon. Sakay ng isang bus kasama na ang ilang mga Pilipina na married sa korean ay umalis ang nasabing grupo bandang 8:30am para magtanghal ng isang munting palabas upang maipakita sa mga taong naroon ang magandang kultura at mga tradisyonal na sayaw ng Pinas. Matapos ang 3 oras na biyahe ay narating nila ang ang maliit na Barrio ng Deoksan Myoon. Ang Deoksan Myoon ay nasa bayan ng Jecheon sa lalawigan ng Chuncheon Bukdo. Bandang alas-dose ay maiinit na sinalubong ng mga organizer ng munting pagtatangahal ang grupo ng AFC.


ang booth ng AFC




masayang pinagsaluhan ng mga AFC at kasama ang masarap na tanghalian














Pagkarating sa lugar ay agad na isinaayos ng mga volunteers at mga kasamang kababayan ang maliit na booth upang maipakita ang larawan, kagamitan at ilang makulay na kasuotan bilang parte ng exhibit na may kaugnayan sa Pilipinas. Pagkatapos ng iang minutong paghihintay ay kanilang pinagsaluhan ang tanghaliang inihanda para sa AFC. Nabusog ang lahat sa masarap na tanghalian.








Isa sa pangunahing layunin ng AFC sa pagdalaw ay para mai-angat ang moral ng mga kababayan nating naroon na may-asawang Koreano. Ayon kasi sa impormasyon na nakarating sa AFC ay mababa diumano ang tingin ng mga Koreano sa mga PIlipinang naroon. Sa munting paraan ay nais tumulong ng AFC upang iangat ang moral ng mga ito. Bilang tugon ay nagpasya ang grupo na ipakilala ang tradisyon at kultura ng Pilipinas upang ipakita na tayo man ay may mayaman at magandang kultura katulad ng Korea.

Sa maliit na lugar sa harap ng palengke inilatag ang telon na nagsilbing stage para sa programa. Alas-dos ng hapon ng magsimula ang programa. Naunang magtanghal ang 2 grupo ng Korean. Kanilang ipinakita sa maliit na bilang ng manood ang tradisyonal na sayaw ng Korea at munting dula-dulaan.

Bandang alas-tres Y medya ng magsimulang magtangahal ang AFC. Nagkaroon ng munting pagpapakilala ang Presidente ng AFC na si Kathlia. Sa tulong ni Mrs. Maria Park bilang interpreter ay kaniyang ipinakilala ang samahan ng AFC ay pakay ng grupo kung bakit sila magtatanghal.

Naunang isalang ang sayaw ng "ARAY" isang tradisyunal na sayaw ng Pilipinas. Sumunod ang "bulaklakan" at "maglalatik". Sa bawat tradisyunal na sayaw ay ipinapaliwanag ni Mrs. Maria Park ang kahulugan at pinagmulan nito. Pagkatapos nito ay isinalang ang 2 modern dance na "heads high" at "duriso".
Nagkaroon naman ng munting workshop o munting pagtuturo ng sayaw sa lahat ng mga naroon sa saliw ng "cha-cha". Ang lahat ay nakilahok sa nasabing workshop na pinamunuan ni Aaron Vergara, isang volunteer ng AFC na Professional Dance Instructor sa Pinas. Kasapi din siya ng isang folk dance troop sa Pinas.
Matapos ang ilang minutong workshop ay ipinakita naman ng grupo ang national dance ng Pinas na "tinikling" bilang pangwakas na bilang.


"Aray"


"Bulaklakan"


"Maglalatik"


"Heads High"


"Tinikling"




Naging masaya at hinangaan ang AFC ng mga taong naroon. Halos lahat ay binati ang AFC sa magandang palabas na idinulot nito. Hindi pa man nakakaalis ang grupo ay muling naimbitahan ang AFC para sa mga susunod na taon. Baon ang ngiti sa labi ay nilisan ng AFC ang lugar bandang alas-singko ng hapon.

Pagod man ay sinulit pa rin ng grupo ang pagkakataon upang makapasyal sa magandang lugar malapit sa Deoksan pagkatapos ng programa. Lulan ng maliit na sasakyang pangdagat na inuupahan ay kanilang binaybay ang magandang lugar. Hindi magkamayaw ang flash ng kanilang mga camera upang mahunan ang magnadang tanawin na naroon.








Tuwang-tuwa ang grupo bagama't pagod ng makarating sa Ansan. Alas-onse Y medya ng maghiwalay ang grupo patungo sa kani-kanilang mga tahanan.

No comments: