Create your own fancy glitter text!
Welcome to AFC Diary! Everyone is welcome here. You can sign my guestbook or chat with all the visitor on visitor's lobby portion. Tell all your friends about this site. Thank You very much. Have a nice day! -Billy Vela, Author

Galilean Newsletter Is Now Online!

For those who did not able to get a copy of Galilean Newsletter Anniversary Edition,

The easy and fastest way to access news from Ansan Filipino Community is now available for online reading.

Yes, it's true! You can read it online by clicking the link below.

Monday, August 18, 2008

One Happy Sunday

Ganap na katoliko na ang pinakabagong angel ng AFC na Allec Julian ng ito ay mabinyagan kahapon, August 17, 2008 sa Wongok Church. Ang nasabing pagbibinyag ay pinangunahan ni Rev. Fr. Jun Perez. Sumailalim din sa munting seminar na may kinalaman sa pagbibiyag ang mga magulang ni Baby Allec na sina Richard at Evhie Francisco kasama ang mga napiling ninong at ninang ng bata. Matapos ang binyagan at misa ang lahat ng AFC volunteer at malapit na mga kaibigan na mag-asawa ay tumuloy sa Jul Juli buffet para sa munting salu-salo na nagsilbi ring bonding time ng mga AFC.





Naging mainit naman ang pagtanggap ng mga choir member at AFC sa bagong piyanista ng grupo na si Kuya Romeo Balistin. Dahil rin kay Kuya Romeo ay nagkaroon ang choir ng munting vocalization bago gawin ang mga pag-eensayo. Sa ngayon ay abala ang grupo para sa paghahanda sa nalalapit na anibersaryo ng AFC at Galilea sa darating na ika-7 ng Setyembre. Lalo pang humuhusay ang AFC choir dahil sa mga pinagsama-sama puwersa ng mga lider ng nasabing grupo na sina Rachel Pangga, Pris Santos at Elgin Roxas. Idagdag pa dito ang kaalaman sa musika at talento sa pagtugtog nina Ricky Olatan at ang bagong miyembro na si Kuya Romeo. Nakikiisa rin ang mga miyembro ng choir sa mga adhikain ng grupo upang hindi mapabayaan ang AFC choir na minsan ng pinalakas ang pwersa dahil sa mga dating lider nito.


Nagbigay naman ng munting tribute ang AFC para sa feast day ng isang masipag na staff ng Galilea na si Mrs. Maria Park. Ang feast day para sa mga korean ay isa sa mga mahalagang araw para sa kanila. Kaya naman, katulad ng nakaugalian, muling naghandog ng bulaklak at magandang awit ang grupo para kay Mrs. Maria Park. Ang awiting "YOU" ay inalay ng grupo sa pamamagitan ng mahusay na mang-aawit ng choir na si Joy Hagos na nilapatan naman ng magandang musika ng magaling na gitaristang si Ricky.

No comments: