Unity: Panawagan ng AFC
Kahapon ng umaga, September 28, 2008 ay nagsimula ng mag-ensayo ang bagong koponan ng AFC para sa larong soccer. Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na International Unity Festival kung saan ang larong soccer ay isa lamang sa mga larong sinalihan ng iba't-ibang bansa. Ito ay pinamumunuan ng Ansan City Hall upang mapagbigkis-bigkis ang lahat ng migranteng mangagawa mula sa iba't-ibang bansa. Ito na ang ikatlong subok ng koponan ng Filipino na pinangungunahan ng AFC volunteers.
Ang kauna-unahang AFC soccer team na lumahok noong 2006
2007 AFC soccer team
Isa pang AFC volunteer ang nagpaalam kahapon upang bumalik sa Pinas. Ito ay si Alex Montealto na nagsimulang maglingkod bilang miyembro ng AFC noong 2006. Iniabot ni Galilea Director Rev. Fr. Kristianus Piatu, SVD at AFC President Kathlia De Castro ang plake sa masipag na si Alex bilang pagkilala sa kanyang mga ambag na talento bilang AFC volunteer. Naging emosyonal si Alex sa kanyang iniwang maiksing talumpati. Inilahad niya ang kanyang kwento kung bakit siya biglang napauwi sa Pinas. Ito ay dahil nahulihan ng TNT ang kanyang kumpanya kung kaya hindi siya pinayagan ng Labor Center na magrenew pa ng kanyang kontrata. Ayon kasi sa patakaran ng Immigration at Labor Center, ang kumpanyang nahuhulihan ng mga iligal na manggagawa ay hindi pinapayagang mag-hire ng tao sa loob ng isang taon. Dahil dito nanawagan siya sa lahat na itigil ang kumakalat na sumbungan upang makinabang ang lahat sa mga trabahong mayroon dito sa Korea. Hiniling rin niya na maglaan ang lahat ng isang oras upang bisitahin ang simbahan at makinig ng misa tuwing linggo. Aniya ito ang kanyang naging hugutan ng lakas sa kanyang 3 taong pamamalagi dito sa bansang Korea.
Tinanggap ni Alex Montealto ang plake mula kay Rev Fr. Kristianus at AFC pres. Kathlia De Castro bilang pagkilala sa kanyang pagiging AFC volunteer.
Nagbahagi naman ang AFC sa Galilea ng kinita nito sa nakaraang anniversary raffle draw ng 1milyon won bilang tulong sa Galilea. Iniabot ni Pres. Kathlia ang donasyon kay Rev. Fr. Kristianus Piatu ang sobre kahapon sa misa. Nagpasalamat din ito sa lahat ng tumangkilik ng nasabing raffle draw.
Tinanggap ni Fr. Kristianus ang donasyon ng AFC mula sa kinita ng nakaraang anniversary raffle draw.
Matapos ang banal na misa ay nagtipon-tipon ang lahat ng lider ng iba't-ibang organisasyon dito sa Ansan at AFC officers upang paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan. Isa rin itong paraan ng AFC upang muling mapagbuklod-buklod ang lahat ng Pilipino dito sa Ansan. Matatandaan na sunod-sunod ang awayan na kinasasangkutan ng ilang mga grupo dito sa Ansan. Sa nasabing meeting ay naiparating din ang lahat ng kaganapan at ilang mensahe mula sa Philippine Embassy at ilang balita mula sa labor center at immigration office.
Ang ginanap na pagpupulong ng mga lider ng iba't-ibang samahan sa Ansan kasama ang mga opisyal ng AFC.
Naging masaya at puno ng balitaktakan ang nasabing pagpupulong. Nagbigay rin ang ibang lider ng ilang suhestiyon sa pagpapaganda ng samahan ng lahat ng organisayon na sinang-ayunan naman ng karamihan. Nangako rin na magbibigay ang lahat ng tulong sa bawat-isa sa para sa mga mangangailangan. Ito ay pagpapatunay na lahat ay nagnanais ng katahimikan at magandang samahan ang mga Pilipino dito sa Ansan.
Mabuhay ang mga Pilipino dito sa Ansan!