Create your own fancy glitter text!
Welcome to AFC Diary! Everyone is welcome here. You can sign my guestbook or chat with all the visitor on visitor's lobby portion. Tell all your friends about this site. Thank You very much. Have a nice day! -Billy Vela, Author

Galilean Newsletter Is Now Online!

For those who did not able to get a copy of Galilean Newsletter Anniversary Edition,

The easy and fastest way to access news from Ansan Filipino Community is now available for online reading.

Yes, it's true! You can read it online by clicking the link below.

Wednesday, May 7, 2008

Kuya Jerry bids goodbye to AFC

Matapos ang 6 na taong di matatawarang pagseserbisyo ay pormal nang nagpaalam si Kuya Jerry sa AFC nitong nakaraang linggo, May 4, 2008. Husay sa larangan ng musika ang kanyang naging puhunan upang manilbihan bilang isang choir director sa Ansan Filipino Community. Sa bawat kalabit ng kwerdas ng kanyang gitara ay musikang nagbigay sa AFC choir ng isang mas magandang awitin. Sa bawat tipa ng kanyang keyboard ay tamang lapat ng musika upang mabigyan ng mas higit na buhay ang ang boses sa simbahan. At sa bawat palo ng drum ay di matatawarang serbisyo na kanyang ibinigay. Lahat tayo ay uuwi rin sa ating lupang sinilangan. Gayon man, malayo man siya ay tiyak akong patuloy nating maririnig ang kanyang mga tugtuging tumatak sa puso ng bawat isa sa atin. Paalam Kuya Jerry...magkikita rin tayo muli.



A tribute for Kuya Jerry

No comments: