AFC Celebrates Mother's Day
Isa na namang espesyal na araw ang nagdaan dahil kahapon May 11, 2008 ay naging opisyal ng miyembro ng simbahang katoliko si baby VenjoMirlo Mervel Villafuerte matapos itong binyagan sa Wongok Church bandang alas dos y medya ng hapon. Bago ang pagbibinyag ay sumailalim muna ang mga magulang na sina Mervieve at Avel kasama ang mga napiling ninong at ninang sa isang seminar ukol sa pagbibinyag.
Si Rev. Fr. Jun Perez at kasama sina Mervieve, Avel at baby Venjomirlo Mervel.
Matapos ang binyag ay isang munting salu-salo ang naganap sa conference room ng Wongok Parish
Ang masasarap na pagkaing pinagsaluhan.
Sa banal na misa ay ipinagdiwang naman ang espesyal na araw para sa mga nanay. Inawit ni Ella Camat ang "awit kay Inay" bilang handog sa mga ina sa komunidad. Nagbigay rin ng munting bulaklak para sa mga inang naroon.
Ang mga Ina kasama si Fr. Jun habang nag-aabot ng bulaklak.
Awit kay Inay ni Ella Camat.
HAPPY MOTHER'S DAY TO ALL !!!
No comments:
Post a Comment