Aquaintance Party
Last May 18, 2008 ay ginanap sa Ansan Foreign Workers Center ang isang aquaintance party upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng volunteers na makapagbonding nang sa ganon ay makilala nila ang isa't-isa lalo na ang mga baguhan. Bandang 6:30pm ng simulan ang nasabing programa na pinagunahan nila Ms. Marites Manicsic at Mr. Billy Vela bilang mga Emcee. Pinangunahan ng AFC Liturgical Chairwoman Mrs. Emsa A. Francisco ang maikling panalangin na sinundan naman ng mga mensahe mula kay Rev. Fr. Jun Perez at ng bagong Galilea Director na si Rev. Fr. Kristianus Piatu. Nagbigay rin ng mensahe ang Presidente ng samahan na si Ms. Kathlia De castro. Nagbigay rin ang mga AFC dance troop ng isang dance number. Dito ay muli nilang pinatunayan ang galing sa pagsasayaw. Matapos nito ay sabay na pinagsaluhan ng mga volunteers ang mga pagkaing inihanda. Ilan sa mga pagkain ay nagmula sa mga taong nagdiwang at magdiriwang ng mga kaarawan ngayong buwan ng Mayo. Sila ay sina Belle, Liza, May, Ethel, Dennis at si Aljon Manalo
The Birthday Celebrants
May, Belle, Aljon, Ethel and Dennis
Matapos ang kainan ay sinimulan na ang pormal na pagpapakilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng maikling impormasyon tungkol sa sarili ng bawat isa. Naging masaya ang tagpong ito dahil na rin sa mga kwento at makwelang pagpapakilala ng 68 miyembro na dumalo.
Pagkatapos makilala ang bawat isa ay nagkaroon naman ng mga palaro na dumagdag sa kasiyahan sa mga taong naroon. Umindak at gumiling ang mga volunteers sa gitna ng reception hall bago tuluyang tapusin ang nasabing programa.
Ang mga volunteers habang nagsasayawan
Ang volunteers habang sumasayaw
Ang aquaintance party ay isang mahusay na programa dahil muling nabigyan ng pagkakataon ang mga volunteers na makapagsaya. Ito ay ilan lamang sa mga araw na malayo sila sa mga problema. Ito rin ay matuturing araw ng mga volunteers na nagbibigay serbisyo sa AFC ng walang kapalit. Isa itong araw na hindi malilimutan ng mga nagsipagdalo.
Salamat sa lahat ng mga dumalo at nag-asikaso para sa programang ito!
No comments:
Post a Comment