Galilea Staff and AFC volunteers visits Anmyeondo Beach
Maaga pa lamang ay pinaghahandaan na ng Galilea at AFC ang gaganaping Summer Camp '08 kaya naman binisita ng Galilea Staff at ilang AFC volunteers ang Anmyeondo Beach upang matiyak na makukuha ang lugar. Alas-9 ng umaga ng umalis ang nasabing grupo mula sa Ansan. At matapos ang 2 oras na biyahe ay aming narating ang lugar. Agad kaming sinalubong at pinatuloy ng koreanong mag-asawa na siya ring may-ari ng mga resorts. Dahil ang AFC ay ilang beses ng bumalik sa lugar ay agad natandaan ng mag-asawang may-ari ang mga taong sinalubong ng mga ito. Nagkaroon ng mahabang pag-uusap tungkol sa patakaran at posibleng mangyari sa lugar bunga na rin ng mga masayang usapan ng mga taga-galilea at ng may-ari.
Matapos ang pakikipag-usap ay muli naming sinilip ang mga paligid maging ang dagat.
Ang mag-asawang may-ari. Sila ay parehong katoliko.
The Galilea Staff
AFC volunteers with Sajangnim ng resort
Galilea Staff and AFC volunteers at the beach of Anmyeondo
Narito ang ilan lamang litratong kuha sa lugar.
Isang lugar kung saan pwedeng mamahinga o kumain.
Ilan lang sa mga comfort rooms.
Kuha sa main building.
Ang loob ng kwarto
Madadaanan ang tunnel na ito mula sa main building patungong dagat.
Ang dagat ng Anmyeondo. Ito ay kinakailangang lakarin ng 3 minuto mula sa main building.
Ang dagat ng Anmyeondo mula sa malayo.
Matapos ang pagbisita at pakikipagkwentuhan, kami ay dinala ng may-ari sa isang kainang malapit doon para sa masarap na tanghalian.
Ang summer camp ngayong taon ay gaganapin sa darating na Aust 1 - 3 dito sa Anmyeondo. Siguradong isa na namang masayang bakasyon ang mangyayari dito. Kaya naman atin ng samantalahin ang pagkakataong malayo tayo sa maiingay na kumpanya. Sa halip ay ingay ng hampas ng tubig sa dagat ang ating maririnig sa summer camp '08. Masaya rin ang summer camp lalo na kung kasama ang mga kaibigan at itinuturing pamilya. Magkita muli tayo para sa SUMMER CAMP '08
No comments:
Post a Comment