World Nubigo Festival '08
May 25, 2008,dinumog ng maraming tao na kinabibilangan ng mga koreano at migrants workers mula sa iba't-ibang bansa ang kauna-unahang World Nubigo Festival na ginanap sa Hwarang Park. Layunin ng programa na mapag-kaisa nito ang lahat ng bansang naririto sa Korea. Nagkaroon ng booth ang bawat bansa para maipakita ang kanilang mga ipinagmamalaking masarap na pagkain. Ang Pinoy Restaurant ni Ate Leah at Kuya Kim ang nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng nasabing booth. Maraming masarap na lutuing pinoy ang pumatok sa panlasa ng maraming taong naroon. Pinilahan dito ang kinasasabikang BB-Q. Bukod dito ilan din sa mga pagkaing inihanda ay ang pansit, lumpiang shanghai, puto atbp.
Ang masarap na barbeque ng Pinoy Restaurant. Ito ay pinilahan ng maraming pinoy na naroon at ng iba't-ibang lahi na dumalo.
Sa programa ay nagpakita ng galing sa pag-awit si Belle Ariola. Pinahanga nito ang mga manonood ng kanyang awitin ang "Listen" na una ng pinasikat ni Beyonce. Ang magaling na banda na kinabibilangan ni Von at Ricky ang tumugtog para sa kanya.
Husay naman sa pagsayaw ang ipinamalas ng AFC dance troop ng sila ay umindak sa saliw ng isang korean dance song.
Hapon na ng simulan ang pinaka main event ng programa, ang libreng pa-concert. Nag-imbita ang Ansan City Hall sa pamumuno ng kanilang Mayor na si Hon. Joo Won Park. Maraming artista ang dumalo mula sa maraming bansa. Si Aiza Seguerra ang tumayo bilang representative ng Pilipinas. Kanyang inawit ang "ipagpatawad mo" at ang kanyang sikat na awiting "pagdating ng panahon".
Si Aiza seguerra habang umaawit ng "ipagpatawad mo". Pagkatapos nito ay agad niya itong sinundan ng kanyang sikat na awiting "pagdating ng panahon".
Sa likod ng stage ay nag-paunlak si Aiza sa mga tagahanga ng mabilis na picture taking. Ngunit dahil sa higpit ng seguridad ng mga koreano ay agad itong nahinto.
Ang mga fans kasama si Aiza
Bilang pagtatapos ng programa ay itinali ng mga koreano at AFC volunteers ang mga tela na nasa likuran ng mga manonood na may iba't-ibang kulay.
Habang itinatali ito ay unti-unting nabubuo ang tila isang watawat na may makulay na simbolo...ang pagkakaisa ng maraming bansa lalo na ng mga dumalo.
Ang afc volunteers at ilang koreano na nagtali ng mga tela bilang simbolo ng pagkakaisa.
Pagdating ng Panahon by Aiza Seguerra