Noche Buena
Sa pangunguna ni Fr. Kristianus Piatu at Fr. John Kennady ay idinaos ang Vigil Mass sa conference room na dinaluhan ng marami. Dito ay nagkaroon ng pagkakataon ang lahat na humalik at magbigay ng galang sa imahen ng bagong silang na si Hesus. Naging ramdam lalo ng lahat ang pagsilan ni Hesus dahil sa mga awit na handog ng AFC choir.
Matapos ito ay agad na pinagsaluhan ng AFC volunteers ang bawat pagkaing ambag ng bawat isa para sa masarap na noche buena. Mayroong Sisig, dinuguan, bulalo, pansit, tokwa't baboy, adobo, pritong manok, at masarap na dessert tulad ng gelatin, leche plan at buko salad. Hindi rin nawala ang cake para sa sa bagong silang na si Hesus.
Nakiisa rin sa munting salu-salo ang mga taga Galilea sa pangunguna nina Fr. Kristianus Piatu, John Kennady, Sr. Ambrocia, Ate Maria at Bro Callistus.
Bagama't malayo sa pamilya ay tila malapit na rin sila dahil sa presensya ng mga kaibigan na nagpupuno dito.
No comments:
Post a Comment