Simbang Gabi sa Ansan
Sinimulan na ng AFC at ng komunidad noong December 15 ng gabi ang Misa de Gallo. Tuwing alas-9 y medya ng gabi ay ipinagdiriwang ang Misa de Gallo sa Wongok conference room. Ang misa de gallo ay pinangungunahan ni Rev. Fr. Jun Perez, SVD.
Tuwing gabi ay nagkakaroon ng sharing na batay sa gospel sa gabing iyon. Unang nag-share si Billy, AFC volunteer. Sinundan nito ang isang homiliya ni Rev. Fr. Jun Perez.
Bagama't malamig ang gabi ay puno pa rin ang conference room ng mga tao. Dahil na rin ito ng kanilang kagustuhan na mabuo ang lahat ng misa de gallo sa paniniwalang isang kahilingan ang matutupad.
Mainit na kape naman ang inihanda ng AFC para sa lahat matapos ang Misa. Bukod pa dito ang mga pagkain na ibinibigay ng mga sponsors ng bawat gabi. Katunayan, nagbigay ang Sampaguita Store ng mahigit 100 na burgers mula sa lotteria at softdrinks para sa lahat ng dumalo kagabi, December 17.
Pinagsasaluhan din ng AFC volunteers ang hapunan na handa ng bawat isa sa tuwing matatapos ang Misa. Sa lugar na tinawag nilang AFC lobby ay nagtitipon ang mga ito. Nagluluto ng pansit, bumibili ng manok at iba pa. Para naman sa susunod na mga gabi ay magbibigay ang mag-asawang Belle at Ricky ng libreng pakain ng arrozcaldo sa mga AFC volunteers.
No comments:
Post a Comment