Create your own fancy glitter text!
Welcome to AFC Diary! Everyone is welcome here. You can sign my guestbook or chat with all the visitor on visitor's lobby portion. Tell all your friends about this site. Thank You very much. Have a nice day! -Billy Vela, Author

Galilean Newsletter Is Now Online!

For those who did not able to get a copy of Galilean Newsletter Anniversary Edition,

The easy and fastest way to access news from Ansan Filipino Community is now available for online reading.

Yes, it's true! You can read it online by clicking the link below.

Sunday, December 28, 2008

Paskuhan sa Ansan 2008


Alas-9 pa lamang ng umaga ng December 21, 2008 ay abala na ang AFC volunteers sa pag-aayos ng lugar na pagdadarausan ng christmas party


Dagsa na rin ang mga regalo para sa kauna-unahang exchange gift kasali ang komunidad.


Pinagtulungan ng AFC at Galilea volunteers ang pagbabalot ng souvenirs na ipamimigay para sa komunidad.


Inihanda na rin ang munting christmas tree





Pinangunahan naman ni Fr. Jun Perez ang banal na misa kasama sina Fr. Kristianus Piatu at Fr. John Kennady.


AFC choir







Ilan lamang sa mga pagkaing inihanda na niluto ng bawat organisasyon sa Ansan para sa lahat.


Nagbigay ng balita at pagbati para sa lahat ang isa sa mga panauhin na si Labor Attache Delmer Cruz.





Namigay rin ng candy at pinagkaguluhan ang 2 Santa Claus ng AFC.



Nagsilbing emcee naman sina Manny manongsong at Jennet Cacayuran ng programa habng si Billy Vela ang naging game master at in-charge ng raffle draw





humataw naman ang grupo ng pearl of the orient, hawak kamay at afc dancers sa kanilang mga dance number.


AFC dance troop


Ang kwelang AFC dance medley



Naging masaya rin ang programa dahil sa mga palaro na nilahukan ng komunidad


Naging matagumpay ang programa dahil sa tulong ng lahat at suporta ng komunidad.

Friday, December 26, 2008

Noche Buena

Sa pangunguna ni Fr. Kristianus Piatu at Fr. John Kennady ay idinaos ang Vigil Mass sa conference room na dinaluhan ng marami. Dito ay nagkaroon ng pagkakataon ang lahat na humalik at magbigay ng galang sa imahen ng bagong silang na si Hesus.



Naging ramdam lalo ng lahat ang pagsilan ni Hesus dahil sa mga awit na handog ng AFC choir.




Matapos ito ay agad na pinagsaluhan ng AFC volunteers ang bawat pagkaing ambag ng bawat isa para sa masarap na noche buena. Mayroong Sisig, dinuguan, bulalo, pansit, tokwa't baboy, adobo, pritong manok, at masarap na dessert tulad ng gelatin, leche plan at buko salad. Hindi rin nawala ang cake para sa sa bagong silang na si Hesus.



Nakiisa rin sa munting salu-salo ang mga taga Galilea sa pangunguna nina Fr. Kristianus Piatu, John Kennady, Sr. Ambrocia, Ate Maria at Bro Callistus.



Bagama't malayo sa pamilya ay tila malapit na rin sila dahil sa presensya ng mga kaibigan na nagpupuno dito.

Ang itlog na maalat, tuyo at inihaw na manok...bow!

Sinong aayaw sa pagkain ng itlog na maalat. tuyo at inihaw na manok?

Noong nakaarang December 23 ng gabi bilang pagtatapos ng misa de gallo dito sa Ansan ay muling naghanda ang AFC volunteers ng hapunan kasama si Fr. Jun Perez sa lobby. Kanilang pinagsaluhan ang masarap na itlog na maaalat sa kamatis, tuyo at inihaw na manok. Tila hindi pansin ang inihaw na manok dahil sa sarap ng tuyo at itlog na maalat.


Ang tagapagbantay ng ulam at kanin.

Ang masarap na pinagsaluhan ng AFC volunteers.

Muling nag-enjoy si Fr. Jun sa pagkain kasama ang mga AFC volunteers. Idagdag pa dito ang paborito niyang pilipinong ulam na itlog sa kamatis at tuyo.

Bagama't may kalamigan ay hindi pa rin napigilan na isama sa masarap na tuyo at itlog na maalat sa kamatis ang masarap na softdrinks.

Hindi na napigilan ng iba ang magkamay sa pagkain, isang kaugaliang pinoy.


Higit na masarap ang pagkain kung sama-sama at sabay-sabay na kumakain ang bawat isa. Ang simpleng handang ulam ay nagiging espesyal dahil sa presensya ng kaibigan at minamahal.

Let it snow

Pagkatapos ng banal na misa noong nakaraang miyerkules, December 22, 2008 ay kapansin-pansin ang mga puting yebe na nagkalat sa daan dahil sa ilang oras na pag-ulan nito. Kaya naman hindi napigilan ang mga AFC volunteers sa pagkuha ng mga pictures bagama't may kalamigan ang gabi.


Game na game ang munting anghel ng AFC na si Coco sa pagpapakuha ng picture sa malamig at puting yebe.


Bagama't may kalamigan ay hindi pa rin napigilan ng grupo sa pag-pose sa umuulan na yebe.

Binalot na ng makapal na yelo ang kotseng ito kaya naman hindi ito ito pinalampas ng grupo na idagdag sa litrato.

Ang grupo kasama si Fr. Jun Perez pagkatapos ng sinbang gabi.


Dahil sa kapal ng yebe ay hindi maiwan ang daan upang maging madulas. Kaya naman hindi nakalampas sa aking camera ang mga tanawin kagaya nito.



Ang masayang grupo pagkatapos ng banal na misa de gallo.


Bagama't malamig at balot ng makapal na yebe ang mga daan ay hindi naman matitinag ang samahan ng AFC volunteers kahit ilang yebe ba ang pumatak sa lupa.

Wednesday, December 17, 2008

Simbang Gabi sa Ansan

Sinimulan na ng AFC at ng komunidad noong December 15 ng gabi ang Misa de Gallo. Tuwing alas-9 y medya ng gabi ay ipinagdiriwang ang Misa de Gallo sa Wongok conference room. Ang misa de gallo ay pinangungunahan ni Rev. Fr. Jun Perez, SVD.



Tuwing gabi ay nagkakaroon ng sharing na batay sa gospel sa gabing iyon. Unang nag-share si Billy, AFC volunteer. Sinundan nito ang isang homiliya ni Rev. Fr. Jun Perez.



Bagama't malamig ang gabi ay puno pa rin ang conference room ng mga tao. Dahil na rin ito ng kanilang kagustuhan na mabuo ang lahat ng misa de gallo sa paniniwalang isang kahilingan ang matutupad.




Mainit na kape naman ang inihanda ng AFC para sa lahat matapos ang Misa. Bukod pa dito ang mga pagkain na ibinibigay ng mga sponsors ng bawat gabi. Katunayan, nagbigay ang Sampaguita Store ng mahigit 100 na burgers mula sa lotteria at softdrinks para sa lahat ng dumalo kagabi, December 17.



Pinagsasaluhan din ng AFC volunteers ang hapunan na handa ng bawat isa sa tuwing matatapos ang Misa. Sa lugar na tinawag nilang AFC lobby ay nagtitipon ang mga ito. Nagluluto ng pansit, bumibili ng manok at iba pa. Para naman sa susunod na mga gabi ay magbibigay ang mag-asawang Belle at Ricky ng libreng pakain ng arrozcaldo sa mga AFC volunteers.