Galilean Newsletter Is Now Online!
For those who did not able to get a copy of Galilean Newsletter Anniversary Edition,
The easy and fastest way to access news from Ansan Filipino Community is now available for online reading.
Yes, it's true! You can read it online by clicking the link below.
Naging higit na abala ngayon ang mga AFC volunteers para paghahanda sa nalalapit na anibersaryo ng Galilea at AFC. Ang Galilea ay naitatag noong taong 1997 habang 1992 naman ng maitayo ang samahan ng AFC o Ansan Filipino Community. Sama-sama at tulong-tulong nilang pinaghahandaan ang munting programa na gaganapin sa Choji Bokji Gwan o Choji Welfare Center na matatagpuan sa likod ng Simin Sijang.

Ang mapa patungong Choji Welfare Center na nasa likod ng Simin Sijang. Nasa ikalawang palapag ng gusali ang lugar ng pagtitipon.
Note: Pindutin ang larawan upang higit na makita ang mapa.
Sa hanay ng koro ay buong husay silang nag-eensayo para sa mga bago at magagandang mga awitin. Doble oras ngayon ang kanilang ibinibigay upang higit na mapaganda ang kanilang pag-awit. Tila walang kapaguran naman ang mga cultural member sa kanilang pag-indak bilang paghahanda sa nalalapit na anibersaryo. Nakahanay ngayon sa programa ang ilang folk dance na kanilang itinanghal sa iba't-ibang lugar. Isa na dito ang sayaw na "singkil" kung saan nakamit nila ang 1st prize sa nakaraang 1st Bravo Migrant Contest.
Naging abala rin ang mga opisyal ng AFC sa pagpupulong upang masiguro na walang maging problema ang magagananap pagtitipon.

Ilan sa mga miyembro ng cultural commitee pagkatapos ng pag-eensayo
Magsisilbing tila pista ng baryo ang nasabing selebrasyon sa tulong na rin ng mga iba't-ibang organisasyon na nangakong magbibigay ng ambag na pagkain mula sa kanilang mga miyembro. Higit na magiging makulay ang lugar na pagdadausan ng programa dahil sa gagawing mga palamuti upang higit na magmukhang pista ang pagtitipon.

Editor's copy ng nakatakdang ilabas na issue ng newsletter sa darating na anibersayo.
Tinututukan na rin ng AFC newsletter team ang ilalabas na bagong issue ng newsletter para ngayong anibersaryo. Ang newsletter ay binigyan ng bagong bihis upang higit na magustuhan ng mga mambabasa nito.
Tinanggap ni Danny Sumayo ang plake ng pagkilala para sa kanyang halos tatlong taong pagbibigay serbisyo sa AFC sa pamamagitan ng kanyang munting talento sa pagsasayaw at pagpapaabot ng salita ng diyos bilang liturgy member. Si Danny ay isang aktibong miyembro ng AFC na ibinigay ang mga libreng oras at talento para sa AFC. Dati rin siyang volunteer sa simbahan sa Pinas kaya naman hindi masyadong nahirapan makapag-adjust nang siya ay sumali sa grupo ng AFC. Maraming programa ang kanyang dinaluhan kasama ang mga kapwa dancers ng AFC upang ipakita nag galing ng Pinoy sa pagsasayaw. Ilan lamang dito ay ang hwarang festival, Independence day, Anyang festival at International unity Festival.

"Nagpapasalamat ako sa AFC at sa Diyos sa pagbibigay sa akin na muling makapaglingkod sa simbahan. Dati na po akong volunteer sa simbahan sa Pilipinas at ngayon nga ay dito sa Korea. Naniniwala ako na kahit saan bansa ako mapunta ay muling ibibigay ng Diyos sa akin ang simbahan para makapaglingkod muli. Marami pong salamat!"
Minsan pa ay naging matagumpay ang summer camp na ginanap sa Anmyeondo beach noong August 1-3. Ang Anmyeondo ay 3 oras mula sa Ansan at madalas puntahan ng AFC tuwing summer. Huling linggo pa lamang ng July ng magsimulang mamili ang AFC volunteers ng mga kakailanganin na gamit para sa 2 gabi at 2 araw na paglagi sa nasabing lugar.

July 30, sa e-mart matapos ang unang pamimili
July 31, matapos ang pamimili ng ilan pang pagkain at gamit at agad na nagtungo ang grupo nina Billy, Emil, Roger, Elmer, kasama ang 2 koreano na si Bro. Calixto at Sung Min upang dalhin ang mga ilang gamit sa Anmyeondo. Umalis ang nasabing grupo bandang als-6 ng gabi at nakarating ng alas 9 ng gabi. Agad din naman umuwi matapos ilapag at ayusin ang mga gamit. Nakauwi ang grupo sa Ansan alas-2 ng umaga.
August 01, alas 10 ng umaga. Sina Emsa, Sung Min, Angel kasama si Bro. Calixto patungong Anmyeondo.

Ang unang grupo na pumunta sa Anmyeondo upang pangunahan ang pag-aayos ng lugar,mga pagkain at gamit.
Naging abala ang unang grupo sa pag-aayos ng mga gamit at pagkain maging ang mga room assignment at munting programa. Ang lahat ng gawain ay natapos bago pa man magsidating ang 3 bus na lulan ang mga participants.
+of+DSC04880.JPG)
Fr. Jun kasama ang ilang AFC volunteers habang inihahanda ang mga pagkain.
Bandang alas-12 na dumating ang 3 bus. Agad na itinuro sa kanila ang mga kwarto na kanilang gagawing pahingahan. Pagkatapos nito ay sinimulan na ang kainan na sinundan ng pagsindi ng bonfire bilang panimula ng munting programa. Sa nasabing programa ay nagkaroon ng maikling sorpresa para kay Sister Maria na nagdiwang ng kanyang ika-46 na taong kaarawan. Iniabot ng AFC ang regalo at cake para kanya. pagkatpos nito ay ang libreng oras upang maka-jamming ang isa't-isa. Walang humpay ang kasiayahn hanggang umaga. Ngunit di naman naging dahilan upang hindi makagising ng maaga para sa agahan at ilan pang sorpresang programa.

Ang bonfire kasama ang ang ilang nagsipagdalo sa summer camp.

Si Ms. Maria kasama si Fr. Kristianus at ialang AFC volunteers habang umaawit ng birthday song.
August 02, maagang nakapagluto ng agahan ang grupo na nakatoka sa nasabing gawain. Nabusog ang lahat sa sopas na nakahain. Bandang alas-10 ng umaga ng magsimula ang munting palaro na nilahukan ng karamihan.




ilan lamang sa mga palaro na nilahukan ng apat na grupo.
Kinagabihan ay muling ipinagpatuloy ang masayang programa bagama't inulan ang grupo ay di pa rin naman naging dahilan ito upang maputol ang kasiyahan. Nagkaroon din ng sayawan na pinangunahan ng AFC volunteers at ilan participants.
August 03, nagkaroon ng banal na misa bandang als-930 ng umaga na pinangunahan ni Fr. Kristianus kasama si Fr. Kennedy at isa pang indonesian priest.

Fr. Kristianus at ang mga nagsipag-attend ng misa.
Matapos ang misa ay muling tinungo ng grupo ang dagat upang muling magbabad sa tubig bago umuwi. Pagkatapos naman ng tanghalian na inihanda ng grupo ng mga Kabitenyo ay isa-isa ng naghanda ang mga participants para lisanin ang Anmyeondo pabalik ng Ansan.
Bagama't nagkaroon ng ilang problema ay naging matagumpay pa rin ang summer camp 2008 dahil na rin sa pakikiisa ng mga volunteers lalo na ng mga nagsipagdalo. Nanganghulugan lamang na lahat ay magiging maayos kung lahat ay nagtutulungan at nakikiisa sa mga adhikain. Kaya naman mula sa mga volunteers, lahat kami ay nagpapasalamat sa inyong pag-intindi at pakikiisa. Samahan ninyo muli kami sa susunod nating programa.