Marites celebrated her last mass with the AFC
Matapos ang tatlong taong pagseserbisyo sa AFC ay pormal ng nagpaalam si Marites Manicsic kahapon sa AFC. Iginawad sa kanya ang isang plake ng pasasalamat para sa walang sawang pagsuporta at pagbibigay ng libreng oras sa AFC. Siya ay naging isang malaking kontribusyon para sa kumunidad ng mga pinoy dito sa Ansan. Kanyang hinawakan ang iba't-ibang posisyon sa samahan ng AFC.
AFC Pres. Kathlia, Marites Manicsic at Rev. Fr. Dennis Callan,SVD matapos iabot ang plake.
Hindi napigilan ni Marites ang maiyak ng ito ay magbigay ng munting mensahe ng pasasalamat sa lahat ng kanyang mga kaibigan at sa komunidad. Maging ang mga malalapit na kaibigan ay napaluha sa kanyang binitiwang mensahe. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat ang matinding samahan ng AFC kaya naman lahat ay nalungkot para sa pag-uwi ni Marites sa pinas.
Si Tess habang nagpapasalamat sa AFC
Pagkatapos ng misa ay agad nagpaunlak si Marites ng picture taking upang magkaroon ng munting alaala ng kanyang huling linggo kasama ang AFC volunteers dito sa Korea. Nagkaroon din ng isang simpleng handaan na binuo ng kanyang malalapit na mga kaibigan. Hindi naman nag-atubili ang iba pang kaibigan na tumulong para sa nasabing sopresang salu-salo. Ang simpleng tambayan na kilala bilang "AFC lobby" ay napuno ng simpleng dekorasyon. Naging masaya ang handaan dahil na rin sa dami ng kaibigang dumalo. AFC volunteers at si Tess pagkatapos ng Misa.
Ilan lamang sa mga kaibigang dumalo sa sopresang salu-salo.
Ang maiksing video na kuha sa "AFC Lobby" ng munting salu-salong inihanda para kay Tess.
No comments:
Post a Comment