Goodbyes
Opisyal ng nagpaalam si Mauro Dimabildo na naging miyembro ng AFC ng halos 3 taon sa AFC nitong nakaraang linggo, June 22, 2008. Kanyang tinanggap ang plake at regalo mula sa mga kasapi ng AFC sa misa. Nahihiya man ay nagpaunlak naman itong magbigay ng maliit na talumpati sa lahat. Aniya, marami daw siyang natutunan sa AFC na dadalhin niya sa kanyang pag-uwi. Dagdag pa niya ay "kung may umaalis ay may darating". Matatandaan na marami ng aktibong miyembro ng AFC ang nagdesisyong umuwi at ilan pa ang magpapaalam sa grupo sa susunod na linggo.
one special occasion with hardworking volunteer Kuya Mauro
Nitong nagdaang linggo ay nagpaalam na rin ang ibang mga koponan ng basketball sa championship trophy dahil hindi sila pumasok sa semi-finals. Ang semi-finals ay gaganapin sa July 06 habang ang championship ay sa July 20. Nakatakdang maglaro ang Mexican at Amianan sa darating na linggo na parehong nasa ikaapat na pwesto sa kasalukuyan. Do or die, iyan ang tema ng laro ng dalawang koponan.
Mexican team and supporters
No comments:
Post a Comment