And the winners are.....
Kasama ang ilang miyembro ng iba't-ibang organisasyon dito sa Ansan ay umalis kahapon ang ilang AFC volunteers sa pangunguna ni Pres. Kathlia upang makidalo sa ika-110 taong Araw ng Kalayaan ng Pilipinas at ika-13 taon ng Migranteng Manggagawa na ginanap sa Hangang Park, Seoul,Korea. Ang nasabing pagtitipon ay binuo ng Embahada ng Pilipinas dito sa South Korea. Nagkaroon ng Banal na Misa bandang alas-9 at kasunod nito ay ang maikling programa. Sa tulong ng mga sponsors ay naimbitahan ang 2 kilalang artista ng pinas upang magbigay ng saya sa pagdiriwang. Sila ay sina Geneva Cruz at Pretty Trishzsa. Sinayaw ng AFC representatives ang BULAKLAKAN na umani ng masigabong palakpakan. Nagkaroon ng munting patimpalak para sa BEST BOOTH contest. Madami ang naglaban-laban sa nasabing patimpalak ngunit sa huli ay tinanghal pa rin na BEST BOOTH ang pag-aari ng Ansan Filipino Community.
Ang representatives ng AFC habang sumasayaw ng bulaklakan.
Korean singer na si Chung Dong Ah at Geneva Cruz habang inaawit ang A Whole New World.
Tinanggap ni AFC Pres. Kathlia ang plake mula kay Ambassador Luis Cruz para sa BEST BOOTH
Matagumpay rin na naidaos ang basketball tournament na ginanap naman sa Olympic Gym. Kasabay nito ay ang Banal na Misa sa Wongok Parish alas-3 ng hapon. Bagama't kulang ang miyembro ng AFC choir dahil sa magkakasabay na programa sa iba't-ibang lugar ay lumutang pa rin ang galing ng mga ito sa pag-awit. Naging maganda rin ang ibinigay na homiliya ni Rev. Fr. Jun Perez na siyang naging celebrant sa naganap na misa.
Buong kumpiyansa namang sumayaw ang Ansan Filipino Dance Troop sa kauna-unahang patimpalak na Bravo Migrant Contest. Ito ay ginanap sa Dalmaji Theater kahapon. Mahigit 18 na grupo ang sumayaw mula sa iba't-ibang bansa sa nasabing patimpalak at isa na dito ang Ansan Filipino Dance Troop. Kanilang ipinakita ang galing sa pagsasayaw ng isang muslim dance na tinatawag na SINGKIL. Inuwi ng Ansan Filipino Dance Troop ang 1st prize worth 1million won habang 2nd prize naman ang bitbit ng Pearl of the Orient na binubuo rin ng mga Pilipina.
Ansan Filipino Dancers
Ansan Filipino Dancers with their winning dance piece
Winning Moment of Ansan Filipino Dance troop
No comments:
Post a Comment