Galilean Newsletter Is Now Online!
For those who did not able to get a copy of Galilean Newsletter Anniversary Edition,
The easy and fastest way to access news from Ansan Filipino Community is now available for online reading.
Yes, it's true! You can read it online by clicking the link below.
Opisyal ng nagpaalam si Mauro Dimabildo na naging miyembro ng AFC ng halos 3 taon sa AFC nitong nakaraang linggo, June 22, 2008. Kanyang tinanggap ang plake at regalo mula sa mga kasapi ng AFC sa misa. Nahihiya man ay nagpaunlak naman itong magbigay ng maliit na talumpati sa lahat. Aniya, marami daw siyang natutunan sa AFC na dadalhin niya sa kanyang pag-uwi. Dagdag pa niya ay "kung may umaalis ay may darating". Matatandaan na marami ng aktibong miyembro ng AFC ang nagdesisyong umuwi at ilan pa ang magpapaalam sa grupo sa susunod na linggo.

one special occasion with hardworking volunteer Kuya Mauro
Nitong nagdaang linggo ay nagpaalam na rin ang ibang mga koponan ng basketball sa championship trophy dahil hindi sila pumasok sa semi-finals. Ang semi-finals ay gaganapin sa July 06 habang ang championship ay sa July 20. Nakatakdang maglaro ang Mexican at Amianan sa darating na linggo na parehong nasa ikaapat na pwesto sa kasalukuyan. Do or die, iyan ang tema ng laro ng dalawang koponan.

Mexican team and supporters
Ang June 15 ay isang mahalagang araw para sa mga dakilang ama sa komunidad dito sa Ansan. Ipinagdiwang kasi ng AFC ang Father's Day kasama ang mga amang dumalo sa misa. Bukod sa espesyal na panalangin para sa kanila ay nagkaroon rin ng pagbabasbas si Fr. Jun Perez sa lahat ng amang naroon. Muli ring pinahanga ni Belle ang mga ama at nagsipagdalo ng misa ng kanyang awitin ang "You Raise Me Up" bilang munting handog ng AFC.
Ang mga Ama sa komunidad ng Ansan habang binabasbasan ni Fr. Jun Perez

Ang mga ama na miyembro ng AFC habang mahusay na nakikinig sa awiting "You Raise Me Up"

Proud Fathers ng AFC
Matapos ang misa ay agad na nagtungo ang mga volunteers sa AFC lobby upang bisitahin ang magandang angel na si Ariane Faith. Kanilang pinagsaluhan ang mainit na sopas na inihanda ng proud na tatay ni Ariane na si Arlan. Si Ariane ay nakatakdang binyagan sa June 29, 2008 sa Wongok Church. Sa darating namang July 08 ay iuuwi ni Dina ang bata sa Manila.

Si Fr. jun at ilang AFC members matapos bisitahin ang mag-anak na sina Emsa, Arlan at ang bagong angel ng AFC na si Ariane Faith.
Naging maayos rin naman ang paliga ng basketball na ginanap sa Choji High School ng araw na iyon. Nakatakdang maglaban ang apat na koponang papasok sa championship sa darating na July 20, 2008. Masungkit kaya ng ibang koponan ang titulo na kasalukuyang hawak ng Pangasinan Waves? Kanino kayang team ang papasok sa semi-finals? Abangan!
NOTE: Salamat kay JM para sa video at ilang pictures. Gayon din kay Allen sa ibang litratong aking ginamit sa article na ito.

Ang mga magaganda at malulusog na sina
Baby Arianne Faith at Baby Angel Lyka
Matapos dalhin ng 9 na buwan sa kanilang sinapupunan ay matagumpay na isinilang nina Wilma Rivera at Emsa Francisco ang mga malulusog na sanggol. Noong June 08, ay isinilang ni Wilma si Baby Angel Lyka habang si Baby Arianne Faith naman ay nitong nakaraang araw lamang, June 10, 2008.
Walang pagsidlan ang naramdaman ng kanilang mga asawa na sina John at Arlan para sa kanilang bagong miyembro ng pamilya.
To Wilma and John at Emsa and Arlan,
CONGRATULATIONS mula sa inyong AFC FAMILY.