Create your own fancy glitter text!
Welcome to AFC Diary! Everyone is welcome here. You can sign my guestbook or chat with all the visitor on visitor's lobby portion. Tell all your friends about this site. Thank You very much. Have a nice day! -Billy Vela, Author

Galilean Newsletter Is Now Online!

For those who did not able to get a copy of Galilean Newsletter Anniversary Edition,

The easy and fastest way to access news from Ansan Filipino Community is now available for online reading.

Yes, it's true! You can read it online by clicking the link below.

Sunday, January 4, 2009

New Year Party '08

Bandang alas-6 ng hapon ng December 31, 2008 ay abala na ang mga AFC volunteers sa pag-aayos ng dating Sampaguita Bar and Restaurant. Ito kasi ang napiling lugar na pagdarausan ng taunang new year party ng AFC volunteers.


Ang munting stage na pinagtulungang ayusin ng mga volunteers


Dagsa ang mga regalo para sa exchange gifts ng mga ito.

Nagkaroon ng simpleng pa-raffle kung saan ang lahat ay nakatanggap ng mga regalo. Higit namang inasam ng lahat na mapanalunan ang 1st prize na isang vacuum cleaner na mula mismo sa bulsa ng presidente ng AFC.


Games and raffle prizes


Abala ang ilang AFC sa pagsasaayos ng lugar, ang ilan naman ay sa pagluluto habang ang grupong ito ay abala sa munting registration booth


Bago sinimulan ang programa ay binati muna ng lahat ang may mga kaarawan sa buwan ng Disyembre.


December Birthday Celebrants







Higit na pinasaya ang gabi sa pamamagitan ng mga kwelang palaro tulad ng Charades, paper plates relay at zipper game.


Ang masayang laro na zipper game kung saan nagwagi si Rachel Pangga

Masayang sinalubong ng lahat ang pagpasok ng bagong taon sa pamamagitan ng isang taimtim na panalangin para sa isang masagana at mas makabuluhang taon ng AFC volunteers.



Napanalunan ni Vergel ang 1st prize na isang vacuum cleaner sa isinagawang munting pa-raffle para sa AFC volunteers.


Disco to the max


Matapos ang masarap na kainan, masayang palaro at walang tigil na sayawan ay nagkaroon muna ng picture taking kasama ang galilea staff.







Pagkatapos nito ay agad muling pinagtulungan ng mga ito ang paglilinis ng lugar pagkatapos ng programa.

Matapos ang masayang pagsalubong sa bagong taon ay nagpasyang umuwi ang karamihan bandang alas-dos ng umaga. Ngunit kahit inabot na ng oras ay nagpaiwan naman ang ilan para ipagpatuloy ang kasiyahan. Muling umawit, sumayaw at nagkulitan ang mga ito.


Bumangka naman si Pris Santos sa kasiyahan sa pamamagitan ng pag-awit nito.


Maging ang kaibigang koreano na si Seung Min ay nagpaunlak ng isang awiting koreano na Bogoshipta o i miss you.


Umuwi ang huling grupo bandang alas-5 ng umaga.


HAPPY NEW YEAR sa ating lahat !!!

No comments: