Create your own fancy glitter text!
Welcome to AFC Diary! Everyone is welcome here. You can sign my guestbook or chat with all the visitor on visitor's lobby portion. Tell all your friends about this site. Thank You very much. Have a nice day! -Billy Vela, Author

Galilean Newsletter Is Now Online!

For those who did not able to get a copy of Galilean Newsletter Anniversary Edition,

The easy and fastest way to access news from Ansan Filipino Community is now available for online reading.

Yes, it's true! You can read it online by clicking the link below.

Sunday, January 4, 2009

Annyeong Ate Fe !!!

Hindi napigilan ng AFC cultural leader na si Fe Divina Hernadez ang maluha ng tanggapin nito ang plake bilang pasasalamat ng AFC sa kanyang 7 taon na pagseserbisyo sa AFC. Ito na ang huling linggo nito sa Ansan dahil nakatakda na itong bumalik sa Pinas sa darating na huwebes, January 8, 2009.

Si Fe ay isang mahusay na lider ng cultural commitee. Dahil sa angkin nitong talento sa pagsasayaw ay napahanga nito ang karamihan. Isang mahusay na liedr at tagasunod, isang tapat na kaibigan, may paninindigan at mahusay makihalubilo sa lahat ng mga tao lalo na sa kapwa miyembro nito.

Ate Fe,

Hindi ka na namin malilimutan dahil ang mga alaala na kasama ka ay nakaukit na sa aming mga puso maging sa aming mga isipan. Sadyang mahirap ang magpaalam dahil sa ating tila magkakapatid na turingan at tagal ng pinagsamahan. Ngunit batid namin na balang araw ay muling magkakasalubong ang ating mga landas at ang araw na iyon ay muli nating sisimulan para sa isang mas masaya at mas makabuluhang pagkakaibigan.

Happy Trip at magkikita muli tayo!


Tinanggap ni Fe ang pabaon na plake para sa kanyang walang sawang pagbibigay ng serbisyo at pagbabahagi ng kanyang talento.


Niyakap ni Ate Maria si Ate Fe pagkatapos ng misa.



Ilan sa mga kaibigan ni Ate Fe kasama ang Galilea staff




Farewell message

No comments: