Create your own fancy glitter text!
Welcome to AFC Diary! Everyone is welcome here. You can sign my guestbook or chat with all the visitor on visitor's lobby portion. Tell all your friends about this site. Thank You very much. Have a nice day! -Billy Vela, Author

Galilean Newsletter Is Now Online!

For those who did not able to get a copy of Galilean Newsletter Anniversary Edition,

The easy and fastest way to access news from Ansan Filipino Community is now available for online reading.

Yes, it's true! You can read it online by clicking the link below.

Tuesday, January 27, 2009

Chinese New Year with the AFC volunteers

Nagtipun-tipon ang mga AFC volunteers sa SVD house sa Choji nitong nakaraang linggo, January 25, 2009. Pagkatapos ng misa ay agad na nag-asikaso ang mga ito para ihanda ang mga pagkain at ilang gamit na gagamitin.

Bandang alas 630pm ng gabi ng magsimulang magtungo ang lahat sa nasabing lugar. grupo-grupo itong nagtungo sa SVD house sa pamamagitan ni Fr. Dennis Callan na sumundo sa mga ito sa pamamagitan ng Istana na sasakayan ng Galilea.

Matapos iayos ang lahat ay nagkaroon muna ng munting tribute para sa Ama ng AFC na si Fr. Eugene na nakatakda ng umalis kinabukasan pabalik sa Pinas.

Ang munting tribute ay isang sopresa para kilalanin ang mga magandang naiambag nito sa Ansan at sa lahat ng mga nakasama nito sa nakalipas na 20 taon.























Get Together with Fr. Eugene

Muling nakasalo ng AFC at ilang kaibigan ang dating Director at founder ng Galilea maging ng AFC na si Fr. Eugene Docoy nitong nakaraang Sabado, January 24, 2009.
Nagkaroon ng munting salu-salo ang mga ito sa tahanan ni Manny Manongsong.






Dumalo rin sa nasabing munting pagtitipon ang ilang nakasama ni fr. Eugene sa komunidad na sina Jojo, Ariel, Marty, Niel atpb.

Welcome to AFC !!!

Pormal ng ipinakilala sa komunidad ang bagong staff ng Galilea na si Sr. Magdala nitong nakaraang Lingoo January 25, 2008. Siya ang humalili sa nagpaalam na madre na si Sr. Ambrocia upang mag-aral ng English sa Pinas.





Inawitan ito ng AFC sa pamamagitan ni Belle Ariola ng isang magandang awitin na "what a wonderful world".

Welcome to Christian World !!!

Bahagi na ng simbahang katoliko ang pinakabagong anghel ng AFC na si Gabrielle Carl C. Cayetano ng binyagan ito nitong nakaraang linggo, January 25, 2009. Si Gabrielle ay ipinanganak noong nakaraang buwan December 12, 2008 na may timbang na 8.2 pounds. Bago ang nasabing binyagan ay nagkaroon muli ng maikling seminar sa pagbibinyag na dinaluhan ng mga ninong at ninang at mga magulang nito.



Matapos ang binyagan ay nagtungo ang lahat sa Mabuhay Store para sa munting salu-salo.




Welcome to Christian World GABRIELLE CARL !!!

Tuesday, January 20, 2009

Jamming !

Nitong nakaraang Sabado, January 17 ay muling nagtipon ang ilang AFC volunteers sa banwol kongdan para sa kaarawan ni Gim Pagdilao. Kanilang pinagsaluhan ang mga pagkaing handa. Nagkaroon din ng kantahan at inuman.

Inabot ng alas- 11 Y medya ang barkada sa banwol. Pagkatapos nito ay agad namang nagtungo ang ilan sa bagong bukas na PHIL INDIA CAMP para suportahan at maki- jamming kina Belle at Ricky na tumutugtog sa nasabing lugar.










Annyeong Sr. Ambrocia at Freddie !!!

Nitong nakaraang linggo, January 18, 2009 ay nagkaroon ng munting tribute ang AFC para sa isang masipag na staff ng Galilea na nakatakdang lumisan patungong Pinas upang mag-aral ng english. Naghandog ng isang awiting ang AFC sa pamamagitan ni Joy. Inawit nito ang "a very special love" habang nag-aalay naman ang AFC volunteers at ilang kaibigan ng bulaklak.




Si Sr. Ambrocia ay may malaking naging papel para sa AFC. Isa siya sa mga tumutulong sa AFC sa malalaking event at activities nito tulad ng anniversary, basketball, iba't-ibang festival, christmas party at marami pang iba.
Bilang pasasalamat pa rin ng AFC ay binigyan ito ng munting plake para sa lahat ng kanyang naitulong at naiambag sa komunidad.







Binigyan din ng plake ang isang AFC volunteer na si Freddie De Guzman para sa kanyang pagbibigay serbisyo sa halos isang taon bilang choir member.






Pagkatapos ng banal na misa ay nagkaroon ng munting salu-salo para sa mga ito. Kanilang pinagsaluhan ang munting pagkain sa conference room.

Sunday, January 4, 2009

Annyeong Ate Fe !!!

Hindi napigilan ng AFC cultural leader na si Fe Divina Hernadez ang maluha ng tanggapin nito ang plake bilang pasasalamat ng AFC sa kanyang 7 taon na pagseserbisyo sa AFC. Ito na ang huling linggo nito sa Ansan dahil nakatakda na itong bumalik sa Pinas sa darating na huwebes, January 8, 2009.

Si Fe ay isang mahusay na lider ng cultural commitee. Dahil sa angkin nitong talento sa pagsasayaw ay napahanga nito ang karamihan. Isang mahusay na liedr at tagasunod, isang tapat na kaibigan, may paninindigan at mahusay makihalubilo sa lahat ng mga tao lalo na sa kapwa miyembro nito.

Ate Fe,

Hindi ka na namin malilimutan dahil ang mga alaala na kasama ka ay nakaukit na sa aming mga puso maging sa aming mga isipan. Sadyang mahirap ang magpaalam dahil sa ating tila magkakapatid na turingan at tagal ng pinagsamahan. Ngunit batid namin na balang araw ay muling magkakasalubong ang ating mga landas at ang araw na iyon ay muli nating sisimulan para sa isang mas masaya at mas makabuluhang pagkakaibigan.

Happy Trip at magkikita muli tayo!


Tinanggap ni Fe ang pabaon na plake para sa kanyang walang sawang pagbibigay ng serbisyo at pagbabahagi ng kanyang talento.


Niyakap ni Ate Maria si Ate Fe pagkatapos ng misa.



Ilan sa mga kaibigan ni Ate Fe kasama ang Galilea staff




Farewell message

New Year Party '08

Bandang alas-6 ng hapon ng December 31, 2008 ay abala na ang mga AFC volunteers sa pag-aayos ng dating Sampaguita Bar and Restaurant. Ito kasi ang napiling lugar na pagdarausan ng taunang new year party ng AFC volunteers.


Ang munting stage na pinagtulungang ayusin ng mga volunteers


Dagsa ang mga regalo para sa exchange gifts ng mga ito.

Nagkaroon ng simpleng pa-raffle kung saan ang lahat ay nakatanggap ng mga regalo. Higit namang inasam ng lahat na mapanalunan ang 1st prize na isang vacuum cleaner na mula mismo sa bulsa ng presidente ng AFC.


Games and raffle prizes


Abala ang ilang AFC sa pagsasaayos ng lugar, ang ilan naman ay sa pagluluto habang ang grupong ito ay abala sa munting registration booth


Bago sinimulan ang programa ay binati muna ng lahat ang may mga kaarawan sa buwan ng Disyembre.


December Birthday Celebrants







Higit na pinasaya ang gabi sa pamamagitan ng mga kwelang palaro tulad ng Charades, paper plates relay at zipper game.


Ang masayang laro na zipper game kung saan nagwagi si Rachel Pangga

Masayang sinalubong ng lahat ang pagpasok ng bagong taon sa pamamagitan ng isang taimtim na panalangin para sa isang masagana at mas makabuluhang taon ng AFC volunteers.



Napanalunan ni Vergel ang 1st prize na isang vacuum cleaner sa isinagawang munting pa-raffle para sa AFC volunteers.


Disco to the max


Matapos ang masarap na kainan, masayang palaro at walang tigil na sayawan ay nagkaroon muna ng picture taking kasama ang galilea staff.







Pagkatapos nito ay agad muling pinagtulungan ng mga ito ang paglilinis ng lugar pagkatapos ng programa.

Matapos ang masayang pagsalubong sa bagong taon ay nagpasyang umuwi ang karamihan bandang alas-dos ng umaga. Ngunit kahit inabot na ng oras ay nagpaiwan naman ang ilan para ipagpatuloy ang kasiyahan. Muling umawit, sumayaw at nagkulitan ang mga ito.


Bumangka naman si Pris Santos sa kasiyahan sa pamamagitan ng pag-awit nito.


Maging ang kaibigang koreano na si Seung Min ay nagpaunlak ng isang awiting koreano na Bogoshipta o i miss you.


Umuwi ang huling grupo bandang alas-5 ng umaga.


HAPPY NEW YEAR sa ating lahat !!!