Memories of the Past
Kanina ay aking napanood ang ilang lumang video ng mga datihang miyembro ng AFC sa YOUTUBE. Muling sumagi sa aking isip ang ilang alaala na kasama sila. Natatandaan ko pa noong unang araw na ako'y sumali sa grupo. Tila ayaw ko pang ihakbang ang aking mga paa dahil sa hiya patungo sa opisina ng AFC kung saan sila ay nag-eensayo para sa choir. Ngunit dahil sa aking kagustuhan na magserbisyo katulad nila, lakas-loob akong pumasok sa pinto. Doon ay sinalubong naman ako ng mga taong naroon. Ipinakilala sa ibang kasamahan at tinuruan makihalubilo sa ibang tao.
Habang pinapanood ko ang video sa YOUTUBE, hindi ko maiwasang matawa dahil sa aming mga itsura na niluma ng panahon. Napangiti rin ako sa mga sayaw na tila ba nagwawala at walang sinusunod na dance steps. Sa kabilang banda, napasaya ako ng lumang video dahil kahit papaano ay aking muling nakita ang mga kaibigang matagal ng hindi nasisilayan.
Hay, sadyang ganito ang buhay. May makikilala ka at muling magkakahiwalay. Ngunit ang bakas ng alaala ay mananatiling buhay sa puso ng bawat butihing kaibigan.
AFC Volunteers last MAY 1, 2005 (parish day)
Belle and Ysmael singing Sarang Boda Kibun Sangcho
Ang AFC volunteers isang taon ang nakakaraan
Bagong henerasyon ng AFC volunteers
No comments:
Post a Comment