Ansan Catholic Family Day
Muling nagpamalas ng galing sa pagsasayaw ang AFC Dance Troop sa nakaraang pagdiriwang ng Ansan Family Catholic Day noong nakaraang linggo, October 12, 2008. Ginanap ang nasabing pagdiriwang sa malawak na Ansan Lake Park. Dito ay nagkaroon ng misa para sa lahat ng nagsipagdalo. Pagkatapos ng banal na misa ay agad na nagsimula ang programa kung saan ay nagkaroon ng partisipasyon ang lahat ng miyembro ng bawat simbahan sa Ansan kabilang na ang Wongok Parish kung saan kabilang ang AFC.
Nagbigay ng magkakasunod na apat na katutubong sayaw ang AFC Dance Troop. Nauna nilang sinayaw ang "aray" na sinundan agad ng "bulaklakan". Ipinamalas din ng mga lalaking miyembro ng AFC Dance Troop ang galing sa pagsasayaw ng "maglalatik". Bilang pangwakas na bilang ng grupo ay isinalang ang sikat na sayaw ng mga Pilipino na "tinikling".
Natuwa ng mga koreanong naroon. Umani ng mga papuri at masigabong palakpakan ang grupo sa kanilang mga bilang mula sa mga ito.
Ang mga pari sa Ansan
Ang mga nagsipagdalo
Ang Aray
Ang Bulaklakan
Ang Maglalatik
Ang Tinikling
Nag-alay naman ng awitin at munting regalo ang AFC para kay Fr. Jun Perez na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong nakaraang October 10, 2008. Inawit ni Gener De Castro ang awiting "one friend" na siyang paborito ni Fr. Jun. Si Fr. Jun ay isa sa mga sumuporta sa AFC Dance Troop sa nakaraang Ansan Catholic Family Day. Kasama siyang inabot ng hatinggabi sa Hwarang Park sa pag-eensayo ng grupo noong nakaraang sabado.
AFC Dancers kasama si Fr. Jun Perez sa huling gabi ng pag-eensayo bilang paghahanda sa gaganaping Ansan Catholic Family Day
Niyakap ni Fr. Jun si Chona Llanes matapos iaabot ang regalo bilang pasasalamat nito.
Nagtipon din ang AFC volunteers at ilang kaibigan ng mag-asawang Belle at Ricky noong nakaraang linggo sa pagdiriwang ng ikatlong kaarawan ng isa sa mga bibong anghel ng AFC na si Coco. Nauna ng nagdiwang si Coco ng kanyang kaarawan sa mismong araw nito noong October 8.
Si Coco na nagdiwang ng kanyang karawan noong October 8
No comments:
Post a Comment