International Unity Festival '08
Muling idinaos ang taunang International Unity Festival sa malawak na Wa stadium noong nakaraang linggo, October 19, 2008. Pinangunahan ito ng Alkalde ng Ansan na si Hon. Park Joo Won. Alas-9 ng umaga ng simulan ang opening ceremony para sa larong soccer na nilahukan ng labing anim na koponan mula sa iba't-ibang bansa kabilang ang Pinas. Ang soccer team ay pinangunahan ng AFC tulad ng nakaraang taon. Pagkatapos nito ay agad na nakaharap ng AFC team ang matitikas na manlalaro ng Ivory Coast. Nagwagi ang kalaban sa score na 5-0.
Major Park Joo Won ng Ansan
Bukod sa soccer ay nilahukan din ng AFC ang iba pang paligsahan tulad ng pagsayaw at pagkanta. Inawit ni Belle Ariola ang awiting pinasikat ni Tae Yeon na " Manyage" o "If". Labing anim silang naglaban-laban mula rin sa iba't-ibang bansa. Inuwi nito ang ikatlong premyo habang ang bansang Mongol naman at Bangladesh ang nag-uwi ng ikalawa at unang pwesto.
Belle singing "manyage"
Ms. Belle Ariola matapos abutin ang premyo para sa ikatlong pwesto sa pag-awit.
Muling sinayaw ng AFC dance troop ang "Singkil" na minsan ng ipinanalo noong nakaraang Bravo Migrant Contest. Mahusay nila itong naitanghal sa harap ng daang-daang tao. Nakalaban nito ang labing-walo pang koponan kabilang na ang Pearl of the Orient at Filipino Dance Group na kapwa Pilipino. Sa huli ay nagwagi ang Filipino Dance Group na nag-uwi ng ikatlong premyo habang Pearl of the Orient naman ang nag-uwi ng ikalawang pwesto. Itinanghal ang Ivory Coast na pinamagaling sa lahat ng kalahok. Hindi man nagwagi ang "singkil" ay umuwi pa rin ang AFC dance group ng masaya dahil na rin sa mga papuring natanggap ng mga ito mula sa mga koreano at kapwa Pilipino.
Singkil by AFC dance troop
AFC dance troop
Bukod sa mga paligsahan ay pinasaya rin ng nasabing festival ang mga taong dumalo dahil sa mga iba't-ibang pakulo na naaksihan. Mayroong mga free picture taking, ibat't-ibang palaro at raffle. Nagkaroon din ng libreng pagkain sa lahat ng nakakuha ng admission ticket.
Muling pinalasap ng PINOY RESTAURANT ang iba't-ibang putaheng pilipino kabilang na ang pinilahang barbecue. Bukod sa Pinoy Restaurant ay mayroon lutong pagkain ang mga bansang nagsipagdalo.
Ang Pinoy Restaurant
Ipinakita rin ng lahat ng bansa ang kanilang mga tradisyon at kultura sa pamamagitan ng munting exhibit sa booth ng bawat bansa.
Nagtanghal din ang Bangladesh at Pilipinas ng kanilang mga wedding ceremonies. Layunin nito na ipakita ang klase ng kasal sa nasabing bansa.
Iba pang kaganapan kuha sa nakaraang International Unity Festival '08
Muling napagbigkis ng City Hall ng Ansan ang lahat ng mga migranteng naninirahan dito sa pamamagitan ng simpleng programang idinaos. Bagama't magkakaiba ng lahi at kultura ay hindi naman ito naging hadlang sa pagkakaisa.