Last Song
Isa muling aktibong miyembro ng AFC ang nagpaalam upang makapiling ang kanyang sariling pamilya sa Pinas. Si Dina na aktibong miyembro ng AFC ay binigyan ng isang munting programa para sa kaniyang pag-alis sa AFC. Naging emosyonal ang lahat ng tawagin ito sa unahan para sariwain ang mga alaalang kasama siya ng kaibigan at AFC. Si Neil Bayaborda ang naging moderator ng nasabing munting programa kung saan nag-alay din ng mga awitin ang AFC choir at ang nag-iisang si Belle. Binigyan din siya ng mga bulaklak at regalo ng mga kaibigan habang siya ay inaawitan.
Si Dina ay naglingkod sa AFC ng mahabang panahon at hinawakan ang ilang posisyon kung saan siya mahusay. Ilan dito ay ang choir chairman at cultural chairman. Ipinakita niya sa komunidad ang kaniyang galing sa pag-awit at pagsayaw. Naging maasikaso sa grupo at kaniyang mga miyembro na naging sanhi upang igalang siya bilang lider. Kaya naman nitong nakaraang linggo, July 6 ay nalungkot ang lahat sa kanyang pamamaalam sa grupo.
Matapos ang misa ay nagtuloy ang ilan sa bahay ni Allan Recimilla dahil na rin sa imbitasyon ng may kaarawan na si Julie Valero at Jun Catubay kaya naman ipinagsabay nila ang selebrasyon kasama ang kaibigan na si Dina. Bandang alas-8 ng gabi ng sila ay magtungo sa norebang upang doon ipagpatuloy ang selebrasyon. Naging masaya ang lahat na tila nasa malaking disco club. Napawi ang lungkot at pagod sa trabaho. Di inalintana ang oras na tila ayaw maghiwalay ng lahat. Natapos ang kasiyahan ng 12:30am.
Ang munting programa na inihanda para kay Dina.
Dina while recieving the plaque with Fr. Kristianus, AFC Pres. Kathlia, and VP Richard.
Dina with the choir after the mass
Dina and friends sa nore bang
Cake for the birthday celebrants Julie and Jun
Sa nasabing misa ay tumanggap rin ng plaque ang dating Presidente ng AFC na si Joey Carabbacan. Ang plake ay tinanggap ng kaniyang asawa na si Lourdes. Matatandaan na si former AFC President na si Joey ay umuwi ng Pinas mataos mahuli ng immigration. Hinawakan rin niya ang posisyon bilang Chairman ng Sports Committee para sa basketball league na kasalukuyang dinadaos.
Fr. Kristianus, AFC Pres. Kathlia with Joey's wife Lourdes while recieving the plaque.
Maraming salamat sa inyo Dian at Joey sa mga alaala at masasayang pagsasama bilang volunteers at magkaibigan. Hindi kayo malilimutan ng AFC.
No comments:
Post a Comment