Create your own fancy glitter text!
Welcome to AFC Diary! Everyone is welcome here. You can sign my guestbook or chat with all the visitor on visitor's lobby portion. Tell all your friends about this site. Thank You very much. Have a nice day! -Billy Vela, Author

Galilean Newsletter Is Now Online!

For those who did not able to get a copy of Galilean Newsletter Anniversary Edition,

The easy and fastest way to access news from Ansan Filipino Community is now available for online reading.

Yes, it's true! You can read it online by clicking the link below.

Wednesday, July 23, 2008

AFC Basketball Championship

Naging matagumpay ang Championship Game na ginanap noong nakaraang linggo sa Chojie High School kung saan nagwagi ang Pampanga Brothers para sa ikalawang pwesto kontra sa Mexican Team na nasa ikatlong pwesto lamang sa first game. Matapos ito ay ginanap ang Banal na Misa sa pangunguna ni Rev. Fr. Jun Perez kasama sina Fr. Kristianus Piatu, Fr. John Kennedy na mula pa sa India at Fr. Kim.
Tinanghal naman na bagong kampeon ang manlalaro mula sa Pampanga na si Jessie Mangulabnan para sa ginanap na 3 points shoot-out game na nilahukan ng mga manlalaro mula sa iba't-ibang koponan. Nasungkit niya ang trono mula kay Jun Tapaoan na may hawak ng titulo noong nakaraang 2 taon. Kumuha rin ng manlalaro mula sa manonood at isa pang manlalaro mula sa AFC volunteer na si Aaron Vergara.
Matapos ito ay ginanap na ang maaksyon na laro mula sa Batangas Blades at Pangassinan Waves. Tila see-saw ang naging puntos na 2 koponan. Muling tinanghal na kampeon ang Pangasinan Waves at tinangggap naman ng Batangas ang pagkagapi ng mga ito.


Narito ang mga pangalan at kumpletong listahan ng mga nagwagi.

BEST in POINTS SHOOT-OUT
Jessie Mangulabnan
Pampanga Brothers

SPORTMANSHIP AWARD
Kabayan Cargo Team

MYTHICAL FIVE

BEST POWER CENTER
Ronald Montero
Pangasinan Waves

BEST FORWARD
Rommel Lumanog
Pampanga Brothers

BEST FORWARD
Bangs Musngi
Batangas Blades

BEST OFF-GUARD
Camat
Pangasina Waves

BEST POINT GUARD
Ranulfo Agcang Jr.
Mexican Team

ROOKIE of the YEAR
Erwin delos Reyes
Mexican Team

BEST COACH
Gil Collado
Pangasinan Waves

MOST VALUABLE PLAYER
Jun Tapaoan
Pangasinan Waves

THIRD RUNNER-UP
Trophy plus 100,000won
Mexican Team

SECOND RUNNER-UP
Trophy plus 300,000won
Pampanga Brothers

FIRST RUNNER-UP
Trophy plus 500,000won
Batangas Blades

CHAMPION
Trophy plus 700,000won
Pangasinan Waves

Nagroon rin ng partisipasyon ang AFC Dance Troop ng kanilang sayawin ang HEADS HIGH ni Mr. Vegas. Maging ang AFC Sessionist Band ay nagbigay rin ng kasiyahan ng kanilang tugtugin ang KISS at HALF CRAZY.


Another job well done para AFC volunteers.



HEADS HIGH ng AFC DANCE TROOP



Half Crazy ng Sessionist band



KISS ng SESSIONIST BAND



Isang maaksyon na tagpo sa laro ng Pangasinan Waves at Batangas Blades




Ilan lamang sa mga nanood ng Champion Game


Pangasinan Waves kasama ang AFC Volunteers and Committee

Wednesday, July 16, 2008

Rosary Hill 2008

Nakaugalian na ng AFC na magtungo sa Namyang kung saan ang malaking Rosaryo ay nakatirik upang ipagdasal ang samahan ng grupo at ipagpasalamat ang mga biyayang natatanggap ng mga ito. Gayon din, baon ng bawat isa ang mga sariling intensyon, mga samo't dasal sa Maykapal. Kaya naman, nitong nakaraang linggo, July 13, 2008 ay muling nagtungo ang mga ito para na rin makapagrelax mula sa mga mabibigat na trabaho. Umalis ang grupo bandang alas-9 ng umaga sakay ng malaking bus. Napuno ang nasabing bus dahil sa 46 na miyembro ng AFC ang lumahok para dito. Nagbigay ang mga taong nagdiwang at magdiriwang ng kanilang mga kaarawan ng mga pagkaing ambag para sa grupo. Matapos ang halos kalahating oras ay narating ng mga ito ang Namyang at matapos ibaba ang mga kagamitan ay kanila ng sinimulan ang pagtitirik ng kandila. Ilan minuto pa ay sinunod na ang pagdarasal ng rosaryo.

Halos mapuno ang hapag-kainan ng mga pagkain mula sa mga may kaarawan.At bago sinimulan ang pagkain ay inawitan muna ng grupo ang mga ito. Nagkaroon rin ng picture taking ang grupo bilang isang remembrance ng pagbisita muli sa Namyang. Nakabalik ang mga ito bandang 1:30pm at dagliang naghanda para sa misa.




Ang lugar na malapit sa entrance kung saan pwedeng magtirik ng kandila kasama ang mga sariling panalangin



Ang malaking krus na parte ng malaking rosaryo



Kaliwa: Ang imahen ng mother and child

Kanan: Ang imahen Rosary Hill mula sa itaas




Ang mga masasarap na pagkaing ambag ng mga June and July celebrants




Ansan Filipino Community Volunteers







Ang video na kuha sa Rosary Hill kasama ang mga AFC volunteers

Monday, July 14, 2008

Namyang



Minsan pa kami ay nagbalik sa lugar na malaking Rosaryo ay nakatirik
Baon ay mga pagkain mula sa mga taong kaarawan ay dumating at darating
Hindi rin naman nakalimutan ibaon mga sariling dasal sa Maykapal
Nagbaon rin ng mga awitin para kay Maria na kay Hesus ay nagluwal

Ngunit bago ko sabihin iba pang kaganapan sa amin sa Namyang
Hayaan ninyong ikwento ko muna ang ibang kaganapan habang nasa daan.
Sa lahat kasi ay ipinaalam na ala-nueve oras ng tagpuan
Ngunit ilan ay di napigilan nagpaantay ng ilang minutong di mabilang

Nang kami ay papaalis sinimulan na ang pagdarasal
Upang ilayo ang lahat ng sakay ni Ajossi sa kapahamakan
Panalangin ni Bro. Jun ay saglit na iniusal
Ilan minuto pa muli, Nore bang sa bus ay sinimulan

Ang ilan ay di nagpatalo kahit tila sirang plaka ang istilo
Ang kantang inaantay ko, 'di ko na makita yun pala ay nasa dulo
Ilang saglit pa ang lugar na aming pakay ay narating
Dagling ibinaba mga pagkain at kagamitan na gagamitin

Sa isang lugar kandila ay kanilang itinirik
Lahat ay nanalangin, gabay ni Hesus 'wag iwaglit
Nang matapos ito kami ay nagtungo
Sa lugar na malaking krus ay nakatayo.

Lahat ay umusal ng dasal sa Maykapal
Bitbit na Rosaryo ay hawak ng karamihan
Umaasang panalangin ay diringgin ng Poong Mahal
Kung kailan iyon, maghintay lamang kaibigan

Nang matapos ang dasal, ang lahat ay natuwa
Sa ganda ng lugar at sarap ng hanging sariwa
Lahat ay nakangiti, ang dahilan ay ano kaya?
Di ko napansin, camera sa kanila'y nakatingala

Nang magutom ang lahat pagkaing handa ay tinuligsa
May leche plan, buko salad, puto at kutsinta
Saging, dinuguan, hamon, manok at tilapia
At siyempre spaghetti ay di mawawala.

Busog ang lahat sa sarap ng handang natikman
Salamat na lang sa mga taong may kaarawan
Ayaw man umuwi kahit pagod ay alintana
Ngunit kailangan para sa misa ay maghanda.

Wednesday, July 9, 2008

Last Song

Isa muling aktibong miyembro ng AFC ang nagpaalam upang makapiling ang kanyang sariling pamilya sa Pinas. Si Dina na aktibong miyembro ng AFC ay binigyan ng isang munting programa para sa kaniyang pag-alis sa AFC. Naging emosyonal ang lahat ng tawagin ito sa unahan para sariwain ang mga alaalang kasama siya ng kaibigan at AFC. Si Neil Bayaborda ang naging moderator ng nasabing munting programa kung saan nag-alay din ng mga awitin ang AFC choir at ang nag-iisang si Belle. Binigyan din siya ng mga bulaklak at regalo ng mga kaibigan habang siya ay inaawitan.
Si Dina ay naglingkod sa AFC ng mahabang panahon at hinawakan ang ilang posisyon kung saan siya mahusay. Ilan dito ay ang choir chairman at cultural chairman. Ipinakita niya sa komunidad ang kaniyang galing sa pag-awit at pagsayaw. Naging maasikaso sa grupo at kaniyang mga miyembro na naging sanhi upang igalang siya bilang lider. Kaya naman nitong nakaraang linggo, July 6 ay nalungkot ang lahat sa kanyang pamamaalam sa grupo.

Matapos ang misa ay nagtuloy ang ilan sa bahay ni Allan Recimilla dahil na rin sa imbitasyon ng may kaarawan na si Julie Valero at Jun Catubay kaya naman ipinagsabay nila ang selebrasyon kasama ang kaibigan na si Dina. Bandang alas-8 ng gabi ng sila ay magtungo sa norebang upang doon ipagpatuloy ang selebrasyon. Naging masaya ang lahat na tila nasa malaking disco club. Napawi ang lungkot at pagod sa trabaho. Di inalintana ang oras na tila ayaw maghiwalay ng lahat. Natapos ang kasiyahan ng 12:30am.

dinas farewell - billy
Ang munting programa na inihanda para kay Dina.


Dina while recieving the plaque with Fr. Kristianus, AFC Pres. Kathlia, and VP Richard.


Dina with the choir after the mass


Dina and friends sa nore bang


Cake for the birthday celebrants Julie and Jun











Sa nasabing misa ay tumanggap rin ng plaque ang dating Presidente ng AFC na si Joey Carabbacan. Ang plake ay tinanggap ng kaniyang asawa na si Lourdes. Matatandaan na si former AFC President na si Joey ay umuwi ng Pinas mataos mahuli ng immigration. Hinawakan rin niya ang posisyon bilang Chairman ng Sports Committee para sa basketball league na kasalukuyang dinadaos.

Fr. Kristianus, AFC Pres. Kathlia with Joey's wife Lourdes while recieving the plaque.


Maraming salamat sa inyo Dian at Joey sa mga alaala at masasayang pagsasama bilang volunteers at magkaibigan. Hindi kayo malilimutan ng AFC.

Tuesday, July 1, 2008

Mexican team won the 4th spot

Naging dikit ang naging laban ng dalawang koponang parehong nais punan ang ikaapat na pwesto upang nakapasok sa gagawing semi-finals sa darating na linggo, July 06 sa Olympic gymnasium. Tila see-saw ang naging usad ng score ng Amianan at Mexican team na nagharap para sa ikaapat na pwesto. Naging maingay at puno rin ng tensyon ang naging laro bunga na rin ng mga taga-suportang dumayo pa ng Hanyang University para lamang magbigay ng suporta sa kanilang mga koponan.
Umabante ng 2 puntos ang Mexican team dahil sa huling tirang ipinasok ni delos Reyes bago tuluyang maubos ang segundong nalalabi. Hindi naman magkamayaw ang mga taga-suportang naroon matapos magdesisyon ang komite na nagwagi ang Mexican.








Ang mga manlalaro ng Amianan at Mexican team matapos ang ginawang jump ball.



Ang mga tagasuporta ng Mexican team matapos i-announce ang opisyal na desisyon na nagwagi ang mga ito.



Ang mga komite habang ipinapaliwanag ang desisyon.

Welcome to Christian World

Isang mahalagang araw ang naganap noong nakaraang linggo, June 29 para sa mag-asawang Arlan at Emsa. Ito kasi ang araw na bininyagan ang bagong angel ng mag-asawa maging ng AFC na si Ariane Faith. Pinangunahan ni Fr. Dennis Callan ang nasabing pagbibinyag. Ngunit bago ito ay sumailalim muna ang mga magulang, ninong at ninang sa maikling seminar tungkol sa pagbibinyag bandang alas-2 ng hapon ng parehong araw. Ang seminar ay bahagi ng proyektong ipinapatupad ng Galilea at AFC bago gawin ang pagbibinyag upang magbigay ng munting pag-aaral para sa kahalagahan nito.

Matapos naman ang binyagan ay nagkaroon ng salu-salo sa Mabuhay Store na dinaluhan ng mga ninong at ninang, kaibigan at AFC. Marami ang masasarap na pagkain ang ipinahanda ng mag-asawa para sa mga bisitang nagsipagdalo. Nagkaroon din ng munting kasiyahan dahil sa videokeng naroroon.




Ang invitation card at kadilang ginawa mismo ng proud mother ni Ariane na si Emsa.










<--Ang listahan ng mga ninong at ninang





Fr. Dennis Callan at Francisco Family


Ang banner na simple ngunit umagaw din ng atensyon sa binyagan.


Si Ariane Faith Habang binibinyagan


ang mga ninong at ninang habang ginaganap ang binyagan.