AFC volunteers held a general assembly
April 06, 2008 isinagawa ang general assembly ng mga luma at bagong AFC volunteers sa conference room ng Wongok parish pagkatapos ang misa na pinangunahan ni Fr. Dennis. Inilatag ni Pres. Kath ang mga plano at napag-usapan sa pagpupulong ng mga opisyal noong nakaraang isang linggo sa mga miyembro. Naging maganda ang takbo ng mga usapan bunga na rin ng mga tanong mula sa mga ito na binigyan linaw naman sa nasabing pagpupulong. Ipinamahagi ang revised afc membership form sa lahat upang maging opisyal na talaan ng mga miyembro. Kaugnay nito maluwag naman sa dibdib ng karamihan ang pagbibigay ng taunang butaw mula sa mga miyembro at opisyal bilang isang source of fund. Nagkaroon din ng picture taking na gagamitin sa gagawing AFC members ID.
Mahigit 66 katao ang dumalo sa nabanggit na general meeting na tumagal
ng halos 2 at kalahating oras. Ipinamahagi rin ang isang sandwich at juice bilang merienda ng mga nagsipagdalo.
ang mga naunang miyembro sa meeting habang sinasagutan ang membership form.
ang merienda habang nakikinig sa meeting
pinangunahan ni Ms. Nyl Punzalan ang panalagin bago ang meeting
ang mga miyembro habang mahusay na nakikinig sa mga inilalatag na plano
Matapos ang general meeting ay agad namang nag-ensayo ang magagaling na AFC dance troop bilang paghahanda sa darating na pagbubukas ng basketball tournament sa ika-20 ng Abril. Bukod pa dito ay kanila na ring pinaghahandaan ang pinaplanong cultural concert sa darating na Setyembre bilang espesyal na pagdiriwang ng taunang anibersaryo ng Galilea at AFC.
ang mahusay na mananayaw ng AFC
No comments:
Post a Comment