AFC Basketball Tournament '08
April 19, 2008 ang huling araw ng AFC para sa paghahanda ng lahat para sa pagbubukas ng AFC Basketball Tournament ngayong taon. Abalang-abala ang lahat ng volunteers. Lahat ay may kanya-kanyang trabaho upang mapadali at mapabilis ang mga gawain.
Sama-samang ginagawa ng mga volunteers ang sandwich bilang almusal bukas.
April 20, 2008 nang opisyal ng buksan ang AFC Basketball Tournament. Ito ay ginanap sa Ansan Tech na dinaluhan naman ng mga Pilipino sa Ansan community maging sa mga karatig-lugar. Labing-dalawang koponan ang lumahok sa nasabing paliga. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Cavite Bullets
2. Amianan Team
3. Mabuhay Team
4. Rookie
5. Batangas Blades
6. Ilonggo Team
7. Pampanga Brothers
8. The Unitribe
9. Kabayan Team
10. Mexican Team
11. Pinoy Bistro
12. Pangasinan Waves
Ang nasabing paliga ay dinaluhan rin ng mga espesyal na bisita mula sa Ansan City Hall, Saint Vincent Hospital at ng ating Ambassador na si Hon. Luis T. Cruz at mga kasama sa Philippine Embassy. Maging ang Director ng Galilea na si Rev. Fr. Kristianus Piatu,SVD ay tila nag-enjoy sa programa.
Sa maiksing programa na pinangunahan ni Ms. Anne at Mr. Billy ay hindi nawala ang taunang patimpalak na "MS. SUMMER GIRL". Ang mga kalahok ay ang mga napiling muse mula sa iba't-ibang koponan na sumali sa paliga. Sila ay rumampa at ipinakita ang talino sa pagsagot sa mga tanong. Si Ms. Ilonggo Carrie Alexandra Gonzales ang tinanghal na 2nd runner-up, 1st runner-up naman si Ms. Amianan Norlene Jonatas at si Ms. Pangasinan Lorrein Rivera ang nagwagi bilang Ms. Summer Girl '08.
Inuwi naman ng Unitribe Team ang 100,000won para sa Best in Uniform Award.
Back of their Uniform
Nagpakita muli ang AFC Choir ng galing sa pag-awit ng kanilang awitin ang mga kanta gaya ng "YMCA" "We are the Champion" at "I will follow Him" habang "selfish" naman ang napiling sayawin ng mahuhusay na AFC Dance Troop
Pinangunahan ni Mr. Jun Catubay ang pag-awit ng "We Are The Champion"
Ang choir consultant at mahusay na keyboardist na si Mr. Jerry Salazar
Ang AFC Dance Troop dancing in the tune of "Selfish"
Bago palaro ay inigay ni Mr. Hill ang mga bagong panuntunan sa larong basketball
Sa Ansan Tech na rin idinaos ang Banal na Misa bandang alas-12 ng tanghali pagkapatos ng programa na sinundan naman ng mga laro mula sa 12 koponan.
Pinangunahan ni Rev. Fr Jun Perez ang misa kasama sina Rev. Fr. Hao ng Vietnam at Rev. Fr. Piatu ng Indonesia pawang mga pari ng SVD.
Narito ang mga resulta ng mga nagwaging koponan sa unang araw ng paliga.
Amianan vs Batangas ---BATANGAS
Ilonggo vs Unitribe ---ILONGGO
Kabayan vs Pampanga ---PAMPANGA
Cavite vs Pangasinan--PANGASINAN
Mexican vs Rookie ---ROOKIE
Mabuhay vs Bistro ---MABUHAY
Maidepensa kaya ng koponan ng Pangasinan Waves ang kanilang titulo?
Abangan.....