2.20.2008 incident
Ang February 20, 2008 ay isa sa mga araw ng mga volunteers ang hindi malilimutan. Dahil sa araw na ito ay sabay-sabay na nahuli ang aming mga aktibong miyembro ng mga immigration. Sakay sila ng shuttle bus ng ito ay harangin ng mga immigration officers. Nahuli ang aming vice president na si Tony Llanes, choir chairman Mikel Cacayuran, service committee asst. chairman Jojo Florendo, cultural committee asst. chairman Jun Baccay. Kasama rin sa TNT na nahuli ay sina Jun Onofre, Elmer Bonon at aming server na si Leo at 14 pang pilipino.
February 24, 2008
Ang ginanap na misa ay aming inalay para sa kanila. Para sa kanilang mga oras at talino na ibinahagi sa AFC. Masakit para sa amin ang nangyari hindi lang dahil sa naubusan kami ng miyembro kundi napalayo rin sa aming itinuring na TUNAY at MAAASAHAN na mga kaibigan.
Ito ang awiting aming inihandog para sa kanila.
Sa inyo mga tunay na kaibigan,
Maraming salamat sa inyong mga malaking naiambag para sa ating samahan. Magtiwala kayo na hindi pababayaan ng naming nga naiwan ang organisasyon na ito.
Magkikita muli tayo!
No comments:
Post a Comment