Create your own fancy glitter text!
Welcome to AFC Diary! Everyone is welcome here. You can sign my guestbook or chat with all the visitor on visitor's lobby portion. Tell all your friends about this site. Thank You very much. Have a nice day! -Billy Vela, Author

Galilean Newsletter Is Now Online!

For those who did not able to get a copy of Galilean Newsletter Anniversary Edition,

The easy and fastest way to access news from Ansan Filipino Community is now available for online reading.

Yes, it's true! You can read it online by clicking the link below.

Sunday, March 30, 2008

We've only just begun

March 30, 2008 ay ginanap ang kauna-unahang pagpupulong ng mga bagong opisyal ng AFC sa bagong bukas na Migrants Counselling Center sa pamumuno ni Pres. Kathlia de Castro. Tinalakay muli dito ang nakasaad sa konstitusyon at ang isang buong taong plano para sa AFC. Nagsimula ang pagpupulong bandang 10:30am at pansamantalang tinapos ala-1 ng hapon para makapaghanda sa Misa. Muli itong Ipinagpatuloy ala-7 ng gabi pagkatapos ng meeting para sa basketball hanggang alas-9 ng gabi.


Pres. Kath habang nagmi-meeting


Ang officers ng AFC pagkatapos ng meeting.

A cheers for the perfect plan.

Hyewadong Choir visits AFC

March 30, 2008 nang bisitahin ng Hyewadong Choir ang AFC bilang parte ng kanilang out-reach program. Sila ang umawit sa buong banal na misa na ginanap sa Wongok Church. Ang nasabing misa ay ang huling misa ni Fr. Noel Ferrer bago ito umuwi para sa tatlong buwan na bakasyon sa Pilipinas. Nakatakda ang kanyang pag-alis sa Martes ng umaga.


Ang Choir ng Hyewadong habang nag-eensayo sa simbahan


after the mass with John and Billy

With Fr. Noel and Kokina

Saturday, March 29, 2008

Fr. Eugene and the re-integration project was in the news

Last February 14, 2008 Fr. Eugene and the re-integration project in Panglao, Bohol was in the news. He was being featured on the GMANews.TV, a website of GMA7 network. Fr. Eugene was the founder of the re-integration projects. The Galilea Resort and Center for Development was the second project launched by the re-integration group after the Matilao Rice Mill. These projects was launched to teach the workers to save and invest and re-invest their money.

Copy and paste this link to your address bar to read the news.

http://www.gmanews.tv/story/80586/Fr-Eugene-Docoy-Helping-OFWS-in-Korea-to-invest-in-Bohol-resort



Rev. Fr. Eugene Docoy while blessing the resort.



Ribbon cutting


Unveiling the marker


The marker



Front view of the resort











Re-integration Group are still accepting members for the said project.
For more information look for AFC President Ms. Kathlia de Castro.
Visit www.galileareintegration.com

Sunday, March 23, 2008

The day that was

Ang March 23 ay isang nakakapagod na simula ng trabaho ng bagong Presidente ng AFC dahil hindi pa man nakakapanumpa ay agad na niyang dinaluhan ang pagbubukas ng migrant conselling center sa Ansan na pinapatakbo ng City Hall. Siya ang naatasang magtaas ng watawat ng Pilipinas sa nasabing programa.


Ang Presidente ng AFC habang itinataas ang watawat ng Pilipinas kasama ang inang lider ng bawat bansa.




Dinaluhan rin ng mga Ambassador kabilang na ang bagong ambassador ng Pilipinas ang pagbubukas ng center



Bagama't patuloy ang ulan ay hindi pa rin ito naging hadlang upang di suportahan ng mga kababayan natin ang nasabing programa.







Mula sa Ansan Migrant Counselling Center ay agad na tinungo ng ni Pres. Kath at ng mga taga embassy ang Misa. Dito ay ginanap din ang oath-taking para sa mga bagong halal na opisyal ng AFC. Ang bagong Ambassador ang nanguna sa panunumpa


Ang mga opisyal habang nanunumpa.



Matapos ang panunumpa ay nagbigay ng maikling speech ang bagong halal na Presidente ng AFC.




Nagbigay rin ng mensahe ang Ambassador para sa lahat ng dumalo sa misa.



Agad namang nagpaunlak sa picture taking si Ambassador Luis pati na ang mga taga embassy.





At kagaya ng nakaugalian na tuwing easter, ang Galilea ay namigay muli ng itlog.







Matapos ang Misa ay nagkaroon ng munting salu-salo ang AFC volunteers sa "AFC LOBBY" bilang pasasalamat ng mga bagong opisyal.


Sa mga bagong opisyal,
Magampanan nawa ninyo ng mahusay ang inyong mga tungkulin para sa ikauunlad pa ng AFC.

Sa mga AFC,
Atin pong suportahan ang mga bagong opisyal lalo na ang Presidente para sa ikagaganda ng ating samahan at kumunidad.

Sa mga taga embahada ng Pilipinas,
Maraming salamat sa pagdalo at suporta sa AFC.
Mabuhay po kayo!

The Francisco-Manaloto Nuptial

March 10, 2008 ng magpalitan ng kanilang matamis na "OO" ang dalawang miyembro ng AFC na sina Ehvie Manaloto at Richard Francisco sa Philippine Embassy, Itaewon.
Ilang nga kaibigan ang nakadalo upang masilayan ang kanilang pag-iisang dibdib.



Sina Ehvie at Richard



Ang bagong kasal at ang Ninong Lito at Ninang Mimi





Ang bagong kasal, ninong at ninang pati ang mga kaibigang nagsipagdalo.









Isang Linggo matapos ang kasalan ay ginanap ang munting salu-salo sa Jutek Siktang kasama ang mga kaibigan, ninong at ninang, afc volunteers.
Nagkaroon rin ng munting programa para sa bagong kasal.




ang sabitan


The MC and Emsa with her message for the newly wed



Si Emil habang inaawit ang kanyang handog na awitin sa bagong kasal.










Ang kantang "ikaw at ako" ay minsan na rin niyang inawit para sa kanyang asawa na si Shiela.



Ang awiting "ikaw at ako" na pinasikat ni Randy Santiago.




Narito pa ang maikling video na kuha sa kanilang kasal.



Sa bagong kasal,
Magmahalan nawa kayo hanggang sa huli. Narito pa rin ang inyong mga kaibigan at AFC para gabayan kayo sa inyong pagsasama.
Congratulation and best wishes to both of you.

Para sa mga nagsipagdalo,
Thank you for your support prayers and wishes for us and for sharing your precious time on this momentous event of our life.

FROM
Mr. and Mrs. Francisco






Tuesday, March 18, 2008

AFC election 2008

March 9, 2008 ng ganapin ang botohan para sa susunod na mga opisyal ng AFC sa conference hall pagkatapos ng misa.
44 miyembro ang dumalo para ibilang ang kanilang boto.
Pinaglabanan ni Mr. Billy Vela, Ms. Kathlia de Castro at Anne baronia ang posisyon para sa pagkapangulo.

Narito ang resulta ng nasabing botohan.

President: Kathlia de Castro
Vice President: Richard Francisco
Secretary: Jeanne Markgraf
Treasurer: Chona Llanes
Auditor: Arlan Francisco
Business Manager: Billy Vela
Asst. Bus. Manager: Marlon Clamonte
Choir Chairman: Dina Florendo
Asst. Choir Chairman: Rachel Pangga
Elgin Roxas
Pris Santos
Choir Consultant: Jerry Salazar
Liturgical Chairman: Emza francisco
Asst. Chairman: Nyl Punzalan
Service Committee Chairman: John Rivera
Asst. Chairman: Avel Villafuerte
Cultural Committee Chairman: Aaron Vergara
Asst. Chairman: Fhe Divina Magboo
Sports Committee Chairman: Jessie Fernandez
Asst. Chairman: Joey Carabbacan
P.R.O's : Evhie Francisco
Marites Manicsic
John Ernest Cook
Lito Ibusca

Sa mga bagong halal na opisyal,
Gabayan nawa kayo ng Panginoon sa inyong mga plano para sa AFC.



Ang opisyal na resulta ng botohan.



Ang mga bagong halal na opisyal matapos ang halalan.

Kathlia's Birthday

March 02, 2008 ay ipinagdiwang ni Ms. Kathlia de Castro ang kaniyang ika-30 taong kaarawan. Munting salu-salo ang ginanap sa mexican kasama ang kaniyang mga malalapit na kaibigan at kapwa volunteers sa AFC.


Narito ang ilang mga larawan sa nasabing pagtitipon.




Si buntis na emsa habang inaabutan ni Arlan ng manok. Manimogo!


Kathlia's Friend who attended the celebration.


Kuha ito sa mexican!

Ang nasabing pagtitipon at tinapos sa DOREMI nore bang.

Sa'yo Ms. Kathlia,
Maligayang kaarawan. Biyaya mula sa maykapal ang hiling namin lahat na iyong kaibigan.

2.20.2008 incident

Ang February 20, 2008 ay isa sa mga araw ng mga volunteers ang hindi malilimutan. Dahil sa araw na ito ay sabay-sabay na nahuli ang aming mga aktibong miyembro ng mga immigration. Sakay sila ng shuttle bus ng ito ay harangin ng mga immigration officers. Nahuli ang aming vice president na si Tony Llanes, choir chairman Mikel Cacayuran, service committee asst. chairman Jojo Florendo, cultural committee asst. chairman Jun Baccay. Kasama rin sa TNT na nahuli ay sina Jun Onofre, Elmer Bonon at aming server na si Leo at 14 pang pilipino.

February 24, 2008

Ang ginanap na misa ay aming inalay para sa kanila. Para sa kanilang mga oras at talino na ibinahagi sa AFC. Masakit para sa amin ang nangyari hindi lang dahil sa naubusan kami ng miyembro kundi napalayo rin sa aming itinuring na TUNAY at MAAASAHAN na mga kaibigan.

Ito ang awiting aming inihandog para sa kanila.


Sa inyo mga tunay na kaibigan,

Maraming salamat sa inyong mga malaking naiambag para sa ating samahan. Magtiwala kayo na hindi pababayaan ng naming nga naiwan ang organisasyon na ito.
Magkikita muli tayo!