Create your own fancy glitter text!
Welcome to AFC Diary! Everyone is welcome here. You can sign my guestbook or chat with all the visitor on visitor's lobby portion. Tell all your friends about this site. Thank You very much. Have a nice day! -Billy Vela, Author

Galilean Newsletter Is Now Online!

For those who did not able to get a copy of Galilean Newsletter Anniversary Edition,

The easy and fastest way to access news from Ansan Filipino Community is now available for online reading.

Yes, it's true! You can read it online by clicking the link below.

Wednesday, November 5, 2008

Most Outstanding Filipino Community in Korea

Nakipagdiwang ang ilang AFC volunteers noong nakaraang linggo, November 2, 2008 sa unang taong anibersayo ng Sulyapinoy na ginanap sa Columban Mission House, Seoul. Lulan ng 2 sasakyan ay maagang tinungo ng grupo ang nasabing lugar. Sa labas pa lamang ng Columban House ay magiliw na tinanggap ang mga ito ng mga staff and volunteers ng FEWA at SULYAPINOY. Dito ay nagkaroon ng banal na misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Alvin Parantar, MSP. Matapos ito ay nagkaroon ng munting salu-salo ang lahat ng dumalong bisita mula sa Embahada ng Pilipinas dito sa Korea na pinamumunuan ni Ambassador Luis Cruz at mga kasama. Dumalo rin ang mga bisita mula sa iba't-ibang komunidad at grupo ng mga pilipino.

Agad itong sinundan ng programa na pinangunahan nina Ms. Maria Regina Arquiza na tumatayong adviser ng Sulyapinoy at Mr. Elizer Penaranda, EIC. Ibingay ni Mr. Rebenson Recana o mas kilala sa tawag na Reeve ang kanyang paunang pananalita. Si Mr. Reeve Recana ay ang founder ng Sulyapinoy at kasalukuyang FEWA administrative adviser.

Video: Edward Castro


Sa nasabing programa ay nagbigay ng mga magagandang bilang ang iba't-ibang grupo at komunidad katulad ng Hwewadong community, Kasan community. Muli rin nagpamalas ng galing sa pagsasayaw ang AFC ng kanilang itanghal ang "aray" at "tinikling". Bumirit naman ang mga mahuhusay na mang-aawit ng Kasan na si Joy Lor pati na rin ang grupo ng "goodheart" ng kanilang iparinig ang sariling komposisyon ng jingle para sa SULYAPINOY.




PHOTOS: SULYAPINOY

Isa sa pinakaabangan ay ang pagpaparangal sa lahat ng mga awardee para sa kategoryang MOST OUTSTANDING INDIVIDUALS at MOST OUTSTANDING FILIPINO COMMUNITY. Idagdag pa dito ang pag-anunsyo ng limang nanalong poem entries. Pinarangalan sina Mr. Frank Caturla of Human Rights Welfare Organization-Filipino Community, Cheongju City, Sister Miguela Santiago, FMA of Hyewhadong Filipino Catholic Community, Seoul, Dr. Emely Dicolen-Abagat, Ph.D of Hyewhadong Filipino Catholic Community, Seoul, Ms. Judith Alegre Hernandez at Pastor Jones Galang. Tinanghal naman na most outstanding filipino communities ang Kasan Migrant Workers Center, Human Rights Welfare Organization- Filipino Community, Hyehwadong Filipino Catholic Community, Changyun Filipino Catholic Community at Ansan Filipino Community.
Video: Mr. Dondave






Inukopa naman ni Mr. Edgar Balista ang ikalimang pwesto bilang nagwagi sa 2008 Poem Writing Contest habang sina Rebeck Beltran, Joan Romero at Joel Tavarro ang tinanghal panalo para sa ika-apat, ikatlo at ikalawang pwesto. Ang tula ni Michael Balba ang hinirang na pinakamagandang komposisyon sa lahat ng sumali.